SEVEN YEARS LATER
"THANK YOU, BOSS," a group of restaurant staff said in unison as the branch manager left the meeting room.
Hawak ang sobre na naglalaman ng kanyang sweldo ay napabuntong-hininga si Mabelle. Dapat ay masaya siya gayong solved na ang pambayad niya sa boarding house at sa iba pang gastusin sa bahay pero hindi niya magawa sapagkat ngayon ang huling araw niya bilang waitress sa restaurant na ito.
Dahil sa patuloy na pagbaba ng sales, napilitan ang may-ari na tuluyan nang magsara. Dalawang taon din siyang nagtrabaho rito at masasabi niyang maganda ang pagtrato sa kanya ng kanilang amo.
Sa lahat ng trabahong pinasok niya, dito siya nagtagal kaya labis ang panghihinayang niya dahil kung kailan nakakabangon na siya ay saka naman siya muling sinubok ng panahon.
Tahimik na nagtungo sa locker room si Mabelle para kunin ang bag niya. Bago umalis ay hindi niya nakalimutang magpaalam sa kanyang mga kasamahan.
"Masaya ako't nakasama ko kayo ng dalawang taon. Thank you guys for everything. Ingat kayo," aniya sa mga ito na tinugunan naman nila ng ngiti.
"Ikaw rin. Happy birthday kamo sa anak mo," pahabol ng kasamahan niyang waiter. Tango lang ang naging tugon niya at nagpasya na si Mabelle sa lisanin ang restaurant.
Dire-diretsong naglakad si Mabelle papunta sa sakayan ng jeep. She can't help but think about what the waiter said before she left. Lihim siyang napangiti dahil tiyak na kanina pa siya hinihintay ng nag-iisang anghel sa buhay niya—ang batang pinaghuhugutan niya ng lakas at ang dahilan kung bakit patuloy siyang nakatindig. It was her daughter Paris who turned six today.
Mas lalong binilisan ni Mabelle ang paglalakad upang makauwi agad. Umarangkada ang sinasakyan niyang jeep makalipas ang ilang minuto at tumagal ng 15 minutes bago siya nagdesisyong bumaba sa harap ng isang bakery na malapit sa tinutuluyan niyang boarding house. Bumili siya ng rounded chocolate cake na may disenyo ng paboritong 3D character ng kanyang anak at isang kandila na may numerong '6'.
Narating niya ang boarding house ng saktong alas-sais y media ng gabi. Sa gate pa lang ay sinalubong na siya ng yakap ni Paris na halata sa mukha ang pagkasabik.
"Happy birthday, baby ko," malambing na bati ni Mabelle sa anak.
"Thank you, Mommy ko!" the girl replied sweetly. Agad namang napansin ng bata ang dala-dala niyang kahon at itinuro iyon. "Ano po 'yang dala niyong box? Gift ko po ba 'yan?"
"Secret," pabirong sabi niya.
"Eh! Ano nga po 'yan, Mommy? Sabihin niyo na po!" pamimilit pa ng bata.
Marahang hinaplos ni Mabelle ang buhok ni Paris. "Ikaw talaga. Pumasok na muna tayo sa loob at doon natin bubuksan.""Yehey!" Nagtatalon pa ito bago sumunod kay Mabelle papasok sa bahay na may limang kuwarto.
Kakaibang eksena ang naabutan ni Mabelle pagbukas niya ng pinto dahil tila siya pa ang nasurpresa sa nakita niya. Sa malaking wooden table na para sa mga boarders, nakalapag ang iba't ibang klase ng masasarap na putahe, kakanin at softdrinks.
Nasa labas din ng kanilang silid ang apat na pamilyang nagsisiksikan sa paupahan kabilang na ang mabait na landlady na siya ring nagbabantay sa bata kapag nasa trabaho siya. Bumisita rin ang kaibigan niyang si Jhazz, ang anak ng may-ari nitong boarding house para makisalo sa maliit na selebrasyon.
"Naku, nag-abala pa kayo. Nakakahiya," she said with a bashful expression. Kaagad niyang ipinatong ang dalang cake sa ibabaw ng mesa.
"Ayos lang, 'no. Mabait na bata ang anak mo at hindi na kayo bago sa akin," nakangiting pahayag ng landlady. "At saka, maliit na salo-salo lang naman ito. Minsan lang magkaroon ng ganito sa bahay kaya hayaan mo na."
BINABASA MO ANG
Maid of my Heartless Ex-Husband (Billionaire's Slave Series 3)
RomanceMabelle had a wild night with a stranger and her husband finds out about it. Hiniwalayan siya nito at tuluyang nagunaw ang kanyang mundo. She ended up living in a small boarding house with her pregnant tummy, completely desperate for survival. Sa ka...