Chapter 2

7 2 0
                                    

KINABUKASAN, nagising si Mabelle nang wala na ang lalaking umangkin ng kanyang pagkababae. Natagpuan niya ang sarili sa kama na hubo't hubad at walang kahit anong nakatapis sa kanyang katawan.

Napabalikwas siya ng bangon. "O-Ouch!" she reacted in pain as she suffered a terrible headache.

Maingat siyang bumangon para sana pulutin ang damit niya na nakakalat sa sahig subalit huli na nang mapansin niyang wasak-wasak na pala iyon. Iginala niya ang paningin sa apat na sulok ng hotel room. There, she found a pair of men's clothes hanging on the chair.

"Well, beggars can't be choosers." Humugot ng malalim na hininga si Mabelle bago dinampot ang damit at isinuot 'yon.

Bago umuwi, dumaan muna si Mabelle sa kilalang clothing store upang bumili ng damit pambabae. Sakay ang taxi cab ay ligtas siyang nakauwi sa tinutuluyan niya suot ang bagong dress na kanyang binili.

Mula sa malayo ay namataan ni Mabelle ang kotse ni Navi na naka-park sa garahe ng kanilang bahay. Katakataka rin kung anong ginagawa ng maleta niya sa labas? Lumunok siya ng laway at umiling upang itaboy ang nararamdamang kaba.

"Sana mali ang kutob ko..." aniya sa isip-isip.

'Di na nag-atubili pang pumasok si Mabelle sa loob. Dito'y sinalubong siya ni Navi nang may mukhang nakabusangot.

"Inumaga ka, ah. Saan ka galing kagabi?" malamig nitong sita sa kanya.
As the self-proclaimed actress she is, Mabelle managed to hide the tension that was slowly killing her.

"My flu gets worse, so I was rushed to the ER last night. Doon ako nagpalipas ng gabi," she lied.

"Really. Then you should've called me so I can take you there."

Navi was unconvinced by her answer. He threw her a challenging look, making her blood run cold.

Naiiling na kumibo muli ang lalaki. "Magsisinungaling ka na lang, hindi mo pa ginalingan. Do you think I will fall for that?"

"What do you mean, Navi? I'm sick, remember? That's why I couldn't come with you to the party last night."

"Oh yeah? Since when have you seen a sick person in a public place like disco bar?"

Inangat ni Navi ang hawak na cellphone. Makikita sa screen ang litrato ni Mabelle na kuha sa bar kung saan kahalikan niya ang isang 'di kilalang lalaki na may mahabang buhok at nang i-swipe niya ang sumunod na larawan ay nais niyang maglaho sa kinatatayuan dahil sapul sa camera kung paano siya buhatin ng lalaking iyon palabas ng bar!

She froze up like a statue. "T-That's not possible!" nauutal na sabi niya habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa screen.

"Yes, it is. May nagpadala sa 'kin nito kaninang umaga. Hindi ko gaanong makilala ang mukha ng lalaking kasama mo sa litrato pero malinaw sa 'kin na may kumaldag sa 'yo kagabi habang wala ako!" Tumaas ang tono ng boses ni Navi sa mga huling salitang binanggit nito.

"Who the hell is that? Where did you guys do it, huh? Sa kotse? Sa hotel? O baka naman sa condo ng hayup na 'yan?" sunod-sunod na tanong ni Navi habang nanginginig sa galit.

"I swear, I didn't know him!" she claimed. "L-Look. I'm sorry, okay? I was just bored so—"

Muntik na siya mapatili matapos basagin ni Navi sa harap niya ang hawak na telepono.

"You're bored so you went to the bar without telling me, you got yourself drunk and slept with a filthy animal. Shit, Mabelle! You're now twenty for goodness sake! You're not getting younger! Hindi lahat ng ginagawa mo noon ay puwede mo pa ring gawin ngayon! Kasal ka na pero kung umasta ka parang wala kang asawa!"

Maid of my Heartless Ex-Husband (Billionaire's Slave Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon