MAGDAMAG na hindi dinalaw ng antok si Mabelle. Sinubukan niyang makatulog ngunit 'di niya magawa. She couldn't get Navi out of her mind. Hanggang sa pagbukang-liwayway ay naaalala niya ang naging pag-uusap nila kagabi.
Ngayon ang unang araw niya sa trabaho, at posibleng ngayon din niya masasaksihan ang hagupit ng isang Navi Reinhart. Sinikap ni Mabelle na bumangon kahit bahagya siyang nakakaramdam ng pagkahilo.
Wala sa sariling napangiti si Mabelle nang mapansin niya ang kanyang anak na payapa pa ring natutulog sa kalahating parte ng higaan. Inayos niya ang kumot nito at sandaling pinagmasdan ang maamong mukha ng bata bago siya nakarinig ng magkakasunod na katok mula sa pinto.
"Andiyan na!" aniya at nagmamadaling binuksan ang pinto. "O, Jhazz, ikaw pala 'yan. Good morning," she greeted.
Agad napansin ni Mabelle ang tray na dala ng kaibigan. Naglalaman iyon ng isang supot ng tinapay at tig-isang tasa na may lamang chocolate drink.
"Magandang umaga rin sa 'yo. O heto, dinalhan ko kayo ni Paris ng almusal," alok ni Jhazz na hindi niya nagawang tanggihan.
"Naku, hindi ka na sana nag-abala. Baka mamaya, mahuli ka pa ni Sir Navi na dinadalhan ako ng pagkain dito. Malintikan pa tayong pareho." Nahihiyang kinuha ni Mabelle ang tinapay at inilapag sa ibabaw ng mesa.
"Baliw. Nasa salas si Sir, busy sa pakikipag-barda sa manager niya sa telepono. Isa pa, wala namang kaso sa kanya kung galawin natin ang mga pagkain at inumin dito sa bahay. Parang pamilya ang turing niya sa 'ting mga kasambahay kaya tigil-tigilan mo na 'yang pagiging negative mo," mahabang sermon sa kanya ni Jhazz na medyo iritable na.
Napairap na lang si Mabelle. "Fine."
"Paano? Maiwan muna kita't mamimili muna ako ng groceries dito sa bahay," paalam ng kaibigan.
"Okay. Salamat dito, ha? Mag-iingat ka," pabaon ni Mabelle bago nagdesisyon si Jhazz na lumabas ng kuwarto.
Parang gusto niyang matawa sa sinabi ni Jhazz tungkol kay Navi. He treated maidservants like part of the family? Well, she might be right. Marahil mabait ito sa lahat, pwera sa kanya.
My, if Jhazz only knew her relationship with Navi. His marriage life has never been released in public so people are not aware of her.
Sa tagal nilang magkaibigan ni Jhazz ay never niyang binuksan ang topic tungkol sa kanyang nakaraan. Natatakot siyang mahusgahan at tuluyang layuan sa oras na malaman nito kung gaano siya kasamang tao noon kaya naman, hangga't hindi pa siyang handang magsalita ay mananatili muna 'yong sikreto.
Mula sa plastic ay kumuha si Mabelle ng isang pirasong tinapay at madaliang inubos ang laman ng kanyang tasa. Iniwan niya sa tray ang natirang pagkain na para kay Paris at lumabas ng kwarto dala ang maid uniform.
Nang makapagbihis, sinimulan ni Mabelle na linisin ang living room kung saan naabutan niya si Navi na may kaaway sa telepono."My tour begins in less than two weeks! You know I've been very busy with my rehearsals. I don't have time to find a replacement!" giit ni Navi sa kung sino man ang kausap nito sa kabilang linya.
Marahil ito ang tinutukoy ni Jhazz na manager ng lalaki. Sa halip na maki-usyoso ay nag-focus na lang si Mabelle sa pagwawalis ng sahig, sunod niyang pinunasan ang mga vase at picture frame na nakapatong sa ibabaw ng wooden cabinet.
At that time, she never heard anything from her boss, proving that he already hung up the phone. The next thing she knew, a powerful voice echoed throughout the living room which forced her to stop. Sinundan niya ang pinagmumulan ng magandang tinig na iyon at hindi siya nagkamali.
It was Navi's heavenly vocals. He sings with all his heart with his eyes closed. The smooth, sweet, musical sound he was creating is very soothing and satisfying to listen to. Oh, he was like an angel chanting into her ear... Daig niya pa ang nasa alapaap.
BINABASA MO ANG
Maid of my Heartless Ex-Husband (Billionaire's Slave Series 3)
RomanceMabelle had a wild night with a stranger and her husband finds out about it. Hiniwalayan siya nito at tuluyang nagunaw ang kanyang mundo. She ended up living in a small boarding house with her pregnant tummy, completely desperate for survival. Sa ka...