Chapter 3
Sapphire's POV
"Mommy, bat kailangan ko pong uminom ng milk?"tanong sa 'kin ni Fibbie. "Tsaka po bakit po white ang milk? Bat hindi po pink? Ang cute po kasi kapag pink eh,"sunod na sunod na sabi pa nya.
"Kasi po, aleng madaldal, kapag iinom ka ng milk, tatangkad at lalaki ka. At kung bakit white, hindi ko alam. Inumin mo na lang yan,"nakangiting sabi ko. Wala na atang ginawa 'to maghapon kundi magtanong at magdaldal eh. Ikaw lang mauubusan ng sasabihin. At kung hindi mo naman sasagutin, kukulitin ka ng kukulitin. Nandito na kami sa kwarto at pinapainom ko sa kanya ung milk nya. Ayaw kasi talaga nya ng milk.
Lumaki ang mata nya at tinutop ung bibig nya. "Lalaki po? Magiging boy po ako? Ayoko na ng milk, Mommy. Mas gusto ko pong maging girl,"
Napatampal ako sa noo ko. "Baby, lalaki meaning you'll become big girl and you'll grow faster not lalaki na boy,"
Tumawa sya nang tumawa. "Got you, Mommy. Joke lang po. Pero, Mommy, ikaw po, kelan ka magkakalalaki?"she giggled. "I want a Daddy na po. Gusto ko po ung hot tsaka gorgeous para po hindi sya mahiya sa beauty natin,"
"Ay naku, apo. Tigilan mo na yang Mommy mo. Gabi na at may pasok pa sya bukas. Bukas mo na sya uli kulitin nang kulitin,"awat ni Mama na napasukan kami sa kwarto. Alam nya ang stand ko sa pakikipagrelasyon at ang tingin ko sa mga lalaki. Hindi nga lang namin masabi ko un kay Fibbie dahil kahit ganun ung pananaw ko, gusto ko pa din maging positibo sya. Isa pa, she's too young to know about it.
"Pero Lolang Maganda, halos maghapon wala si Mommy bukas. Tsaka ayaw po ba nya magkadaddy ako? Ayaw po nya ng may magkikiss and hug sa kanya?"malawak ang ngiting sabi nya.
"Fibbie! San mo natutunan yan?!"bulalas ni Mama.
"TV po. Ganun daw po kasi kapag Mommy at Daddy, nagkikiss tapos naghuhug tapos may baby na uli. Gusto ko po kasi ng kapatid,"
"Fibbie, enough of this. Matulog na tayo. Tsaka tigilan mo yang kiss and hug na yan. Masyado ka pang bata. At ang Daddy mong hinihingi, hayaan mo, bibili tayo bukas,"sabi ko sa kanya.
"Mom! Duh? Hindi po nabibili ang Daddy,"nakasimangot na sabi nya. "Ano yun? Parang po sa tiangge lang 'bele bele na kayu ng dade. Esang daan lng'"
Natawa ako sa kanya. Puro kalokohan din minsan alam nitong batang 'to eh. "Fibbie, tama na yan. Uminom ka na ng milk at matutulog na tayo,"
"Fine! Ipagpapray ko na lang po uli kay Papa God na bigyan ako ng Daddy na magkikiss and hug sa 'yo,"nakangising sabi nya.
Magsasalita pa sana ako pero humiga na sya at tinaas ung kamay nya. "Hep! Matulog na tayo, Mommy. It's late na oh. Higa ka na. good night Mommy. good night, Lolang maganda. Goodnight world. I love you po,"
Napailing na lang ako sa kakulitan nya. Fibbie is just 3 years old pero matatas na sya magsalita at masyado syang bibo. Palibhasa mahilig magbasa at manood ng kung anu-ano. Minsan nakita ko syang binabasa ung mga books ko sa school. Nakakantok kaya un. Mild pa ung energy nya ngayon dahil gabi na pero kapag umaga yan, dudugo ilong ng hindi sanay sa kanya.
Fibbie Cassandra is Ate Sandy's daughter. Pero namatay si Ate Sandy pagkapanganak sa kanya kaya ako na ang naging Mommy nya. Sa akin din nakapangalan si Fibbie dahil sa kagustuhan na din ni Ate. Ayaw daw nyang hanapin pa si Fibbie nung lalaking nakabuntis sa kanya. Mas mapapanatag daw sya kung sa amin maiiwan si Fibbie. Natauhan na din si ate sa huli na walang hiya ung lalaking minahal nya. Fibbie always knew that Ate Sandy is her real mom but we always remind her not to tell it to anyone. Ayaw namin guluhin pa kami ng pamilya ng tatay ni Fibbie. Dati kasi, may pumunta dito at tinatanong ung tungkol kay Fibbie. Sinabi namin na nakunan si ate. Mabuti na lang wala sina nanay at Fibbie nung time na un.
Si Fibbie ang naging tagahatid ng saya sa 'min ni Mama. Kaya kahit nawala si ate, may naiwan naman syang isang munting anghel.
***
"Ma, natanggap na kami nina Jill sa Fuentes Medical Center,"imporma ko kay Mama pagdating ko sa bahay. Kagagaling lang kasi namin dun para sa final interview. Fortunately, lahat kaming apat, natanggap.
"O, bakit parang hindi ka masaya, anak?"
"Inaalala ko po kasi kayo ni Fibbie. Ayoko din po kasing malayo sa bata,"malungkot na sabi ko. Ever since pinanganak kasi si Fibbie, hindi pa ko nalalayo dyan. Para ko na talaga syang tunay na anak.
Tulog na si Fibbie kaya walang nangungulit sa 'min ngayon. Maaga daw nakatulog sabi ni Mama dahil buong araw gising. Napagod sa pangungulit.
"Anak, kaya naman namin 'to. Tsaka hindi ba, pangarap mong makapagtrabaho sa ospital na un? Eto na ung chance mong matupad un,"pangungumbinsi ni Mama sa 'kin. Kilala kasi ang Fuentes Medical Center bilang isa sa pinakamagandang ospital hindi lang dito sa bansa kundi sa ibang mundo.
"Kaya lang kasi, Ma, pano kapag hinanap ako ni Fibbie? Alam mo namang attached masyado sa 'kin ung bata,"
"Matalinong bata si Fibbie. Maiintindihan nya iyon. Isa pa, pwede naman kaming lumipat sa 'yo kapag nakapagsettle ka na doon. Mga ilang buwan lang naman iyon. Sayang ang opportunity mo na makapagtrabaho sa isang magandang ospital,"sabi nya. "Pero hindi mo pa din nasasabi sa mga kaibigan mo ang tungkol kay Fibbie?"
Napatungo ako at sinulyapan ko si Fibbie na tulog na tulog pa din. Ang payapa ng mukha nya. Lalong nagmukha syang anghel ngayon.
"Hindi pa po. Baka po kasi madami silang itanong about sa bata,"
"Natural magtatanong sila. Hanggang ngayon, takot ka pa ring magtiwala kahit na sa mga kaibigan mo,"sabi ni Mama. "Anak, hindi lahat ng tao, gusto kang saktan. Nakita ko ang malasakit sa 'yo nina Candice. Siguro panahon na para matuto kang maging bukas sa kanila kahit papano dahil bihira ang kaibigang tulad nila,"
Hindi na lang ako umimik pa. Hahaba na naman kasi ung diskusyon namin. Masyado na akong pinagkatiwalaan tao sa buhay na sumira agad nito. Alam ko naman na tunay na kaibigan sina Candice, Cleo and Jill. May mga bagay naman akong naibahagi sa kanila. Kaya lang kasi, may mga bagay din na mahirap sabihin. Siguro, in time, masasabi ko din sa kanila ang tungkol kay Fibbie. Natatakot lang talaga ako na maraming makaalam na hindi ko tunay na anak si Fibbie.
Sa ngayon, kailangan ko munang itago si Fibbie. Siguro kapag magkakasama na kami nina Candice, matutunan kong sabihin ang lahat ng kaya kong ibahagi, kasama na dun si Fibbie.
>>>tnx for reading... ^___^
---till next time... ^___^Cover please? Tnx. ^___^ ang tamad ko gumawa eh. Tsaka sa cellphone lang ako nagsusulat. Tamad ako magcomputer.
BINABASA MO ANG
Surrender To Love
General FictionSapphire is a man hater. Blake is a manwhore. Would love help them find surrender to each other or not?