STL 4 - Rabbit

6.2K 180 28
                                    

Chapter 4

Nakasimangot na umupo ako sa sala ng apartment namin.

"Ano meron, Ire at ang pangit mo?"nakangising sabi sa 'kin ni Jill.

"Baka gusto mong isama kita sa pagsalvage sa hambog na babaerong un?"naiinis na sabi ko pero tinawanan lang nya ako.

"Si Doc Pogi na naman problema mo 'no?"sabi nya sabay kindat. "Bakit kasi hindi mo na lang iappreciate ang napakagwapong nilalang ng Diyos na katulad nya?

"Hindi sya gwapo. Perwisyo sya. Nakakainis talaga kayabangan nun. Akala ko hindi ko sya makikita. Pero kanina, pumunta pa sa station namin para magpacute kay Cleo at manggulo sa 'min. Nakakainis. Nakakainis!"gigil na gigil na sabi ko.

Nakilala namin sya dahil kay Cleo. Naalala ko pa nakikipagkamay sya sa 'kin nung ipinakalala sya ni Cleo sa 'min. He's too nice kaya alam kong may bahid na kalandiang taglay ung hambog na lalaking yun. I know his type and I'm allergic to them.

"Bakit nagseselos ka ba dahil hindi ikaw ang nilalandi nya?"

"Bakit naman ako magseselos?!!!"umuusok ang ilong na sabi ko.

"Aba! Malay ko. Nasesense lang maganda kong utak iyon,"sabi nya sa 'kin.

Inirapan ko sya at pumasok na sa kwarto naming dalawa. Iniwan ko sya sa sala dahil nababaliw na naman ung babaeng yun. Ako? Magseselos? Never.

Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili. Pagkatapos, tinawagan ko si Mama.

"Hello, Mommy!!!"sigaw ni Fibbie sa kabilang linya. Napangiwi ako sa lakas ng boses nya pero napangiti din naman ako. Miss na miss ko na kasi sya.

"Hi, baby. Where's your Lola?"tanong ko sa kanya. Kadalasan kasi, si Mama ang sumasagot.

"Don't you miss me Mommy? Hindi mo man lang ako kinamusta?"malungkot na sabi nya mula sa kabilang linya.

Napapalatak naman ako. I didn't intend it to sound like that. "Sorry, baby. Miss na miss ka na ni Mommy. Nagtataka lang ako at hindi lola mo ung sumagot. Kamusta ang baby ko?"

"I have a crush na po. Tapos naghug na po kami kanina sa school,"pagkwekwento sa 'kin ni Fibbie.

"Ano?!! Masyado ka pang bata. Tsaka ilang araw pa lang ako nawawala, nakipagyakapan ka ng bata ka?"nahihintakutang sabi ko sa kanya. Grabe talaga 'tong anak ko. Ganito na ba talaga mga bata ngayon? Masyado nang advance sa love?

"Hihihi!!!" She giggled. "Crush lang naman po, Mommy. Tsaka po group hug po un sa class kaya walang masyadong thrill, Mommy,"

Napatampal na lang ako sa noo ko. May nalalaman pa syang thrill thrill. "Fibbie, baby. You're still a baby. Study muna okay?"

"I know, Mom. It's not as if I'm going to have a boyfriend. Kapag po may Daddy na ko, dun po ako magdedecide. Meron ka na po bang nakita dyan sa ospital?"pangungulit nya sa 'kin.

Biglang pumasok sa isip ko ung hambog na playboy na un. Bigla rin akong nakaramdam ng inis. Bakit ba napakalandi nya?

"Walang Daddy, baby, kaya tigilan mo na yan. Rabbit ang nakita ko dun. Kaya kung hindi mo ko titigilan, no TV for a whole week,"

"Rabbit po, Mommy? Gusto ko po nun. Iuwi mo po dito sa 'tin,"bibong sabi ni Fibbie.

Naputol ung usapan namin ng magsalita si Mama. "Naku, ikaw talaga, apo. Kinukulit mo na naman ang Mommy mo,"narinig kong sabi nya kay Fibbie. "Musta, anak? Okay ba ang trabaho mo? Ayos mga kasamahan mo?"

Nagkamustahan kami ni Mama. Ikwinento nya ung pagpasok ni Fibbie. Marami daw natutuwa sa kanya dahil sa pagiging bibo nya.

"Totoo po ba ung crush nya?"tanong ko kay Mama. Kinakabahan talaga ako about dun eh.

"Oo, anak. Seatmate nya. Pero wag kang mag-alala, anak, hindi naman sya pinapansin sa pagpapacute nya,"natatawang sabi ni Mama sa 'kin.

Naputol ung usapan namin nang sumingit na naman si Fibbie. "Mommy!!! Hanap ka po ng Daddy para po habang wala ka dito, sya po ung kasama ko,"

Naawa naman ako sa anak ko pero iyon ung bagay na kahit kelan, hindi ko maibibigay sa kanya dahil hindi ko kaya. Masyadong malaki ang galit ko sa puso, isa pa ang takot. Hindi ko na kaya pang ipagkatiwala ang isang bagay na wasak na, isang bagay na hindi na mabubuo pa kahit anong gawin ko.

"Nandyan naman si Lola mo na kasama mo ah?"

"Iba po si Lola. Iba po ung Mommy at Daddy. Ung mga classmate ko po may Mommy at Daddy. Ako po Mommy at Lola lang,"malungkot nyang sabi.

Alam ko naman na kailangan nya ng father figure pero kaya ko namang gampanan parehas un eh. Masasaktan lang kami pare-parehas kung hahayaan naming makapasok pa ang lalaki sa buhay namin.

"Kaya naman ni Mommy na maging Daddy di ba? Ayaw mo na ba kay Mom---"

Naputol ung sasabihin ko nang may magsalita sa may pinto.

"Sapphire? May anak ka na? Kelan pa?"seryosong sabi ni Jill.

Hindi ko napansin na kanina pa pala sya nasa may pintuan dahil sobrang focus ko kay Fibbie.

"Baby, tatawag uli si Mommy ha? May kakausapin lang si Mommy. I love you,"mahinang sabi ko kay Fibbie sa phone. Hindi ko na inantay pang sumagot sya, ibinaba ko na agad ung tawag at tumingin kay Jill.

"Sorry..."sabi ko sa kanya. Un lang ung nasabi ko at nag-unahan nang tumulo ung luha ko.

>>>tnx for reading... ^___^
---till next time... ^___^

Surrender To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon