* CONTINUATION *
__________________Makalipas ang ilang araw, sinimulan nina Kath at Airish ang kanilang kampanya, ngunit patuloy nilang pinapanood si Allison nang palihim. Kahit pa ang bawat galaw ni Allison ay tila walang kapintasan—lagi siyang nandoon para tumulong, mabilis siyang makisama sa mga tao, at tila nagiging popular din siya sa mga supporters ni Kath—hindi maalis ng dalawa ang pagdududa.
Isang hapon, habang abala si Kath sa isang campaign meeting, napansin niyang dumating si Allison. Agad itong sumama sa grupo at sinimulan ang pagtulong sa pag-aayos ng mga dokumento. Airish, na nakaupo sa tabi ni Kath, ay siniko ang kaibigan, "Tingnan mo siya. Alam na alam niya kung anong gagawin, para bang kabisado na niya ang sistema."
"Oo nga," sagot ni Kath, hindi mapigilang mapansin ang pagkakahawig ng galaw ni Allison kay Alicia noong siya pa ang kanilang kasama. "Minsan hindi ko maiwasang isipin na she’s almost like Alicia’s shadow."
Tumahimik si kath, tila naiilang sa ideya. "Well, alam naman natin na magkaiba sila, pero totoo, it’s strange how naturally she fits into Alicia’s old role."
Nagpatuloy ang kanilang trabaho, ngunit sa bawat maliit na bagay—isang simpleng pagkilos ni Allison, ang paraan niya ng pagsasalita o pagbibigay ng mungkahi—parang muling bumabalik sa kanila ang mga alaala ni Alicia. Minsan, napapatingin si Kath nang matagal kay Allison, naghahanap ng kahit anong pagkakaiba, pero ang pagkakahawig ay masyadong kapansin-pansin.
Minsan, habang iniinom ni Kath ang kanyang kape matapos ang isang mahabang araw, tinapik siya ni Airish. "Kath, you know what? We need to dig deeper. Alam kong napatunayan na noon na magkaibang tao si Allison at Alicia, pero hindi ko talaga mapigilang magtaka kung bakit ganoon siya kalapit sa atin ngayon."
"Hindi ko alam," sagot ni Kath. "Baka naman it’s just coincidence. Or maybe we’re reading too much into this." Pero sa likod ng kanyang isip, alam niyang kailangan nilang gumawa ng aksyon.
Napagkasunduan nilang magpatuloy sa pag-iimbestiga nang hindi nahahalata ni Allison. "We’ll be careful," sabi ni Airish. "Hindi natin alam kung anong plano niya, pero we have to make sure na hindi tayo natatrap sa isang sitwasyon na hindi natin maintindihan."
Habang bumubuo sila ng plano, napansin ni Kath na dumaan si Allison at ngumiti sa kanila. "Everything okay?" tanong ni Allison, ang boses nito ay kalmado at puno ng tiwala.
"Oo, ayos lang," sagot ni Kath, pilit na ngumiti pabalik. Pero sa loob-loob niya, may bumubulong na dapat pa nilang alamin ang buong katotohanan tungkol kay Allison.
Habang lumilipas ang mga araw, napansin ni Allison ang mga palihim na pagtingin nina Kath at Airish. Alam niyang may nararamdaman na ang dalawa, ngunit mas lalong nagpasiya siyang mag-ingat. Kailangan niyang mapanatili ang kanilang tiwala habang patuloy na sinusunod ang kanyang plano.
Isang gabi, habang nag-iisa si Allison sa kanyang kwarto, nagmuni-muni siya sa mga nangyayari. "They're watching me," bulong niya sa sarili, nakatingin sa labas ng bintana. "They’re suspicious, I can feel it. Pero kailangan kong manatiling kalmado."
Habang pinaplano ang susunod niyang hakbang, hindi maiwasan ni Allison na alalahanin ang kanyang misyon. Sa bawat galaw, dapat ay kapani-paniwala siya. Kailangan niyang magpakita ng malasakit, ngunit hindi masyadong halata. "I need to stay ahead of them," naisip niya. "I can't afford to let my guard down."
Kinabukasan, habang kasama niya sina Kath at Airish sa campaign headquarters, pinilit ni Allison na maging mas mapagmasid. Ang mga kilos niya ay mas kalkulado, ang bawat salita ay maingat na binibitawan. Nang makita niyang tila nag-uusap sina Kath at Airish habang nakatingin sa kanya, ngumiti siya at lumapit.
YOU ARE READING
THEY BETRAYED ME
De TodoSi Kath and Rish ay both friends ni Alicia, but Kath and Rish broke thier friendship with Alicia just to be free in short, they betrayed alicia. the case hearing is closed, at naipakulong nila si Alicia, but Alicia's died be'cuz of being bullied a...