ikaw.

1 0 0
                                    

sa bawat hampas ng alon sa dalampasigan
kapayapaan ang hatid nito sa akin
saksi ang buwan at mga bituin
kung gaano ako kahandang magpagal sa'yo

sa piling mo panatag ang puso
at buong pagkatao
ikaw ang tanging kasiguraduhan
at tahanan ng pusong minsan nang naligaw

sa pagsapit ng dapithapon
patuloy pa rin sa pagtibok,
ang puso kong sinisigaw ay ikaw
mahal, pipiliin kita sa araw araw

unsaid thoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon