uuwian

1 0 0
                                    

Ang buwan, ay para sa tala
ikaw ay para sa akin.
At gaya ng tala mananatili ako kapag walang-wala,
dahil sa mundong mapang-api may handang manatili

tulad ng tubig sa rumaragasang ilog
ang pagmamahal sayo'y walang hanggan, oh irog.
sa bawat hamon ng buhay, ikaw ang kakampi
kahit anong mangyari alam na akoy iyong pinipili

ikaw ang hantungan ng matang luhaan,
alam mo kung paano ako itahan
isang yakap at halik
puso'y kumalma at saya'y bumalik

tuwing isipan ay puno ng kadiliman
ikaw ang nagsisilbing takbuhan
sa iyong mga ngiti, kalungkuta'y napawi
sa piling mo natagpuan ang tunay na kasiyahan

hindi man araw-araw magkasundo,
mapaligiran man ng gulo
kailanman hindi ka kayang ipagpalit sa mundo
dahil ikaw ang dalangin bawat minuto

kahit subuan man ng tadhana
ikaw pa rin ang uuwian ko
sa iyo ako nanahan,
ikaw ang tanging tahanan 

unsaid thoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon