CHAPTER 2
MARK
Sinubukan kong buksan ang family album namin. Ang huling picture na kompleto kami ay noong nasa grade three pa ako.
Recognition iyon at ako ang hinirang na first honor sa batch namin, habang si Cedrick naman ang pumapangalawa .Tuwang-tuwa ang mga magulang namin nang makita nila kaming nag-hahakot ng awards. And that was the last time na makita kong buhay ang dad.
Nagpaalam ito saglit sa amin na may kukunin lang siya sa kotse , hindi pa ito nakakalayo simula nang mag paalam siya ay dumaundong ang malakas na putok ng baril.
At napahiyaw ang lahat ng nandoon sa sobrang takot. Nakita ko pang gumagapang ang ama ko habang nakatingin sa amin. Yakap-yakap kami ni mommy noon at pilit na iniiwas ang aming mukha sa nangyayari.
Nakita ko ang dalawang kalalakihan na nakasuot ng bonnet . Binaril nila ito ng makailang ulit. Kaya siguro may phobia ako sa dugo.
Actually ginawang inspiration iyon ni Cedrick , kumuha siya ng kursong related sa medesina habang ako naman ay abala sa degree ko kung paano magpatakbo ng kompaniya.
Ang daming masasakit na nakaraan, hindi na nakakapagtataka kung target kami ng kalaban dahil ang kompaniya namin ang isa sa pinakakilala dahil sa mataas na quality ng mga pangunahing essentials na ginagamit ng mga Pinoy.
Ang Global logistics company ang isa sa pinakasikat sa Pilipinas. Toothpaste, shampoo and etchatera ay isa lang sa patok na produktong gawa ng Global.
Sunod kong binuklat ang picture ni Cedrick noong graduation niya. Ito ang pagtatapos niya sa kolehiyo at magiging ganap na bilang isang Heart Surgeon. Katabi niya dito si Louriel at ito rin ang araw na pinakilala nito sa amin ang girlfriend niya.
Nang maramdaman kong parang papatak na ang luha ko ay kaagad ko itong isinara. Tinungo ko ang banyo at doon ay sinipat ang mukha sa salamin.
Dahan-dahan kong tinanggal ang bandage sa pisngi ko. Pina-plastic surgery ko kasi ang maliit na piklat sa pisngi ko one week ago, medyo nag hilom na rin ang pagawa dahilan para mapangiti ako.
Kasunod kong ginawa ay ang pagdampot ng pang-ahit ko. I slowly shaved my mustache para mas lalo ko na maging kamukha si Cedrick.
Nang matapos na ako ay sinuot ko ang bagong bili kong eye glasses at wala itong grade katulad nang ginagamit ni Cedrick.Nang matapos na ako ay kaagad akong naghilamos kasunod non ay ang paglabas ko ng banyo.
Tinungo ko ang closet at binuksan iyon. Kinuha ko ang naka-hanger na black toxido ni Cedrick at sinuot .Ito ang araw nang kasal sana ni Cedrick, kasal na ako ang haharap. At ito rin ang simula nang aking paghihiganti .
Muli kong tiningnan ang reflection ko sa salamin. " Perfect!" sabi ko na ako lang ang nakakarinig.Napalingon ako ng marinig na May kumakatok kasunod noon ang pag-ikot ng sira-dura.
" Ahm sir Mar----- i mean Cedrick , handa na po ang kotse". muntikan pa nitong tawagin ang tunay kong pangalan
" Sige , susunod ako ". Sabi ko
Nang matapos na ako ay kaagad akong lumabas. Sakto nang makasalubong ko si mommy at seryoso akong tinitigan.
" Mark anak, sigurado kaba dito?" nag-aalalang tanong niya.
" Of course mom, don't worry i can handle this" kalmadong tugon ko.
Hindi na ito nagprotesta bagaman ay sumunod nalamang siya. Kilala ako ni mommy, sa aming dalawa ni Cedrick ay ako ang may pinaka matigas ang ulo.
Twenty minutes bago kami nakarating sa simbahan. Sa labas palang ay tanaw mo na ang napakaraming bisita. Mas maaga kami sa eksaktong oras ng schedule.
Nang makapasok na kami ni mommy ay nakasalubong namin si Mr. Monteverde. Napansin ko kaagad ang paglaki ng kaniyang mata.
" C-cedrick?" nauutal niyang tanong.
Pilit akong ngumiti at gayang-gaya sa ngiti ni Cedrick. " Yes dad, bakit po ganyan ang reaction niyo?" kunwaring tanong ko.
" I thought your______ ahm nevermind". Hindi niya na pinatapos ang sasabihin dahil tinapos niya na iyon sa pakikibit-balikat.
Natigil lang kami sa pag-uusap ng lapitan kami ng isa sa staff ng wedding coordinators.
" Excuse me sir, nandiyan na po ang bride" mahinang wika nito.Kaagad na lumabas si Mr. Monteverde para salubungin si Louriel. Habang ako naman ay pumwesto sa tabi ng altar.
A few minutes ay nakita ko na si Lexi dahan-dahang naglakad palapit sa akin.
Ngayon ko lang napansin ang mukha nito dati kasi hindi ko naman siya masyado natititigan.She was so beautiful while wearing her traje de buda. Pansin ko rin ang morena nitong balat dahil na rin siguro sa may lahing Black American ito.
Agaw atensyon din ang kaniyang mapungay na mga mata . Mula sa mahahaba nitong pilik-mata ay bumaba ang tingin ko sa matangos nitong ilong hanggang sa hindi ko naiwasang titigan ang kaniyang saktong kapal ng labi.
Hindi ko maintindihan kong bakit ako pinagpapawisan ng malapot, nagpapanggap lang ako kaya dapat ay hindi ako kabahan.
Mas lalo pa akong napatitig ng ngumiti ito at sumilay ang kaniyang magkabilaang dimple.
" F*cked what's wrong with me !" saway ko sa loob-loob.
Parang tumigil ang mundo ko ng makaharap ko na si Louriel. Mas maganda pala siya sa malapitan.
" Sh*t naman Mark nandito ka para sa paghihiganti , hindi para lumandi!" Muli ko na namang minura ang sarili ko.( Author: hmft May malandi sa simbahan, minus one sa langit 🙄🙄)

BINABASA MO ANG
TWO FACE
Aksi" Mark almazan was one of the strongest bussiness Tycoon in the philippines. He need to change his Identity to seek revenge for his twin brother, cedrick. Who was set to Marry with loriel Monteverde the Daughter of Rodrigo thier business opponent...