TWO FACE
CHAPTER 1
MARK'S POV
Malakas ang pagbagsak ng ulan at hindi ko alintana iyon. Mas lalo ko pang binilisan ang pagmamaneho upang makarating kaagad sa General hospital. Delikado ang lagay ni Cedrick kaya walang dahilan upang ako'y magbagal.
Mula Batangas papuntang Quezon city ay isang oras lang ang inabot ko sa byahe, kalimitan kasi mga dalawang oras iyon lalo na kapag traffic.
I rushedly park my car sa basement ng ospital. Mas binilisan ko pa ang aking yapak upang tunguhin ang entrance. A few minute ay nasa front desk na ako. Tinanong ko ang isa sa in-charge na staff doon kung saang kuwarto dinala si Cedrick.
" Can you make it faster ?" iritadong utos ko rito. Nahirapan kasi itong hanapin ang pangalan ni Cedrick sa log book nila.
" Sir as of now, nasa ICU pa po siya" sabi nito.
" W-what bakit nasa ICU , tell me masama ba ang lagay ng kapatid ko ?"
Seryoso lang ako nitong tinitigan na mukhang alam ko na ang magiging kasagutan sa tanong ko. Sunod kong ginawa ay ang paghanap sa kinaroroonan ni Cedrick.
At perfect timing dahil pagkarating ko sa Intensive care unit ay siya ring paglabas ng doctor. He removed his mask before he asked me.
" Family kaba ng pasyente?".
" Uhm yes, may i know how is he ?" alalang tanong ko.
Pansin ko kaagad ang malalim niyang buntong-hininga , derekta itong nakatingin sa mga mata ko.
" I'm sorry Mr. Almazan , we tried our best but we failed" wika nito.
Mabilis kong nakuha ang ibig niyang iparating, para akong binuhusan ng malamig na yelo sa harapan nito. " Hindi-hindi totoo iyan !" sa loob-loob ko.
Nag-usap pa kami kahapon at hindi ako makapaniwala na isa na siya ngayong malamig na bangkay. Binigay ng doctor ang mga papers sa totoong sanhi ng pagkamatay ni Cedrick.
At ayon sa resulta , they found a thirteen stab particular sa bahaging dibdib nito. Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapahagulgol. Cedrick was my twin and my bestfriend also.
Walang sabi-sabi ay kaagad kong pinasok ang ICU at doon na nga bumungad sa'kin ang walang buhay kong kapatid. Nagsimula na ring magsibagsakan ang mga luha na kanina ko pang pinipigilan.
Kaagad kong tinanggal ang puting kumot na itinakip sa kaniya. His skin turned to blue dala na rin siguro ng mga pasang nakuha niya sa killer na iyon.
" Cedrick bro, it can't be !" sigaw ko nang di napigilang yakapin ang katawan niya.
Sa aming dalawa ay si Cedrick ang tahimik at mabait, ibang-iba ito sa akin na strikto at matapang kung kaya ganon nalang ang galit ko nang malamang sinaksak ito sa sariling nitong condo. I know Cedrick's very well wala itong naging kaaway simula pa noong bata pa kami.
At isa lang ang nasa isipan ko , may kinalaman si Rodrigo dito .
Ikakasal na ang kapatid ko kay Loriel Monteverde , kausap ko pa ito kahapon dahil niyayaya niya akong dumalo sa kasal and now ito ang bumungad sa'kin.
Nanatiling sarado sa media ang mga pangyayari , alam kong pagpipyestahan lang kami ng mga chismoso at chismosang reporters. Kilala ang pamilya ko na nangunguna sa pinakamayaman dito sa bansa kaya nag-iingat kami sa mga bagay na ikakasira ng aming mga pangalan.
Mas lalo pa akong nagduda nang tumawag si Mr. Monteverde , he asked me kung kamusta na daw si Cedrick . Alam ko na ang gusto niyang iparating gusto niyang makasigurado na patay na ang kapatid ko. Pero diyan siya nagkamali dahil kung papatayin niya naman pala si Cedrick ay dapat pinatay niya rin ako , dahil kawangis ako ng kapatid ko.
" Hindi pwedeng 'di sila magbayad mom !" galit na saad ko nang minsang nagtalo kami ni mommy. Iniinsist ko kasi itong gagamitin ang pagkakilanlan ni Cedrick.
" Anak delikado paano kung pati ikaw ay mawala sa'kin, paano na ako ?" mangiyak-ngiyak nitong tugon.
" It won't never happen mom, just trust me okay " dito ay kinalma ko na ang sarili ko.
" Siguraduhin mo lang anak, dahil nawala na si Cedrick at ayokong maulit pa iyon " sabi nito at di na napigilang umiyak.
Kaagad kong niyakap si mommy para man lang maibsan ang pag-aalala niya . Kailangan ko itong gawin upang maipaghiganti ang taong nanakit sa kakambal ko.
One week later ay hinatid na si Cedrick sa huli nitong hantungan. Hindi ko makakalimutan ang mga araw na kasama ko siya noong nabubuhay pa ito.
Kasabay ng pagtapon ko ng puting rosas ay ang pagbago ko ng aking pagkatao. At sa kahuli-hulihang sandali ay nangako ako sa kaniya na bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay niya.
Pagkauwi namin ng bahay ay kaagad kaming sinalubong ng katulong , naka-hang daw ang telepono at si Loriel ang nasa kabilang linya.
I grab the phone at doon ay nagsalita, rinig ko kaagad ang malambing na boses ng anak ng mamatay tao ,si Loriel.
" Babe bakit wala ka sa condo mo? Alam mo bang pumunta ako don?"
Sinubukan kong gayahin ang mahinang boses ni Cedrick , kailangan iyon lalo na't mabilis akong magsalita.
" I'm sorry, binisita ko kasi si mom"
" Ganun ba, alam mo babe one week nalang kasal na tayo" masayang tugon nito sa kabilang linya.
" Yea , and i was so excited".
" Soon to be Mrs. Almazan na ako " pabirong tugon niya.
" Oo nga eh, by the way may aasikasuhin mo na ako , okay lang ba ?"
" Uhm yes babe , i love y___" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil kaagad kong ibinagsak ang telepono.
Tinungo ko ang kwarto, nang makapasok na ako ay napansin ko kaagad ang eye glasses ni Cedrick. Hindi ko maiwasang maalala siya, kaagad kong dinampot ito at mabilis na isinukat . May kataasan pala ang grado niya kaya medyo masakit sa mata.
Sinipat ko ang mukha ko sa salamin. Magkamukha nga kami puwera nalang sa maliit na scar sa pisngi ko. I smiled seriously kailangan ko nang sanayin ang sarili ko bilang si Cedrick.
Warning: Plagiarism is prohibited by law mga babies. So i hope don't acknowledge my masterpiece okay . Lovelots!
(Author's note: Hi babies, don't forget to follow me huh! Kundi kayo ang fo-follo-in ko! Kidding! 👉👈)

BINABASA MO ANG
TWO FACE
Aksi" Mark almazan was one of the strongest bussiness Tycoon in the philippines. He need to change his Identity to seek revenge for his twin brother, cedrick. Who was set to Marry with loriel Monteverde the Daughter of Rodrigo thier business opponent...