27: DEFIANCE

734 49 24
                                    

Chapter 27: defiance

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 27: defiance

"Yikes, dude! Ganoon na lang ba ang pagnanais mong pasukin ang pod ni Hope?" nakangiwing tanong ni Kruger habang sinisipat ang basag na bahagi ng pod na inuokupa ko. "You pig, ganoon ka ba katigang?"

Seven made no remarks, ngunit seryosong-seryoso ang kanyang mukha. He looked at me as if silently asking so many questions, ngunit nanatiling tahimik ang tinginan naming dalawa.

I don't know what happened. I just woke up with a shattered pod and a passed-out Seven beside me. Basag rin ang ilang mga gamit sa loob ng pod ko—just like what happened in my dream. Ang pinagkaiba nga lamang ay walang makina, walang mga tube na nakakonekta sa katawan ko, and no floating words right before me.

But how did Seven get a busted hand?

"This should do it," mahinang sabi ni Bean matapos gamutin ang mga sugat ni Seven. "Just make sure na hindi maiimpeksyon ang sugat mo. They're pretty deep, pero masama ba ako kung hilingin kong sana magkaimpeksyon ka nga at mamatay dahil sa pagtatangka mo kay Hope?"

Agad akong napatingin kay Bean. Pagtatangka sa akin? "What do you mean?"

Si Kruger ang sumagot sa tanong ko. "This dude tried to sneak inside your pod, marahil ay may masamang balak sa'yo. Seriously, I know you're tired and all, pero mantika ka ba talaga matulog? You didn't even notice?" Bumaling naman siya kay Seven na hanggang ngayon ay seryoso ang mukha at magkatagpo ang mga kilay. "At ikaw naman, I know you're lonely and whatever, but can't you just ask Hope if she's okay with it? Consent matters—"

Hindi makapaniwalang napatingin ako kay Seven. "You... what?" My mind was empty— na tila ba hindi ko alam kung ano ang mga nangyari.

Lumapit sa akin si Seven, ngunit may kung anong sinasabi ang paraan ng kanyang mga tingin.

"Sorry." Bumaling siya kay Bean at Kruger. "I wanted to apologize. Can you two leave us alone?"

Napasimangot si Kruger. "Seriously? After what you did, sa tingin mo hahayaan ka naming makausap o makalapit kay Hope?"

Bean was looking at me as if silently asking kung hahayaan namin si Seven. I'm so confused right now, and I don't know what exactly is happening.

Kruger tried to grab Seven away from me, ngunit tinapik siya ni Bean sa balikat bago bumaling sa akin. "Are you sure you'll be okay with him, Hope?"

Kahit naguguluhan, tumango ako. "Y-yes, I'll be fine."

Mahinang siniko ni Bean si Kruger at lumayo. Kahit may pag-aalangan, iniwan nila kami, but they maintained a distance where they could still see us.

"Anong nangyayari?" nagtatakang tanong ko.

Seven ran his eyes around the place where we stood bago hininaan ang boses. "Hindi mo ba naaalala ang mga nangyari?"

WITH EYES TO SEETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon