17: COINCIDENCE

3.5K 342 210
                                    

17:  Coincidence

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

17:  Coincidence

I can't believe I am here. My hands were cold as ice, and my knees wobbled like jelly with every step. Hindi ko lubos maisip kung ano ang nagtulak sa akin na pumayag sa kasunduan naming ito ni Wolff. What do I even get in return for doing this, anyway? There wasn't even time to relax dahil napakabilis ng mga pangyayari.

I didn't get a good night's sleep until I managed to crawl my way here. Madilim na ang paligid. Maingay ang mga makinang nagmumula sa loob ng Zone Z, ngunit mas maingay ang pintig ng dibdib ko. It felt like it would burst any moment now.

I have no idea where Wolff is right now. Hindi ko rin siya macontact gamit ang receptor. He's probably sleeping, or at Bane Lab, or somewhere else—not sharing the intense anxiety that's attacking me right now.

Ano ba ang nakain ko at pumayag ako sa kasunduang ito? Ni hindi ko man lamang inisip kung ano ang maaaring maging resulta ng pinaggagawa ko kung sakaling mahuli ako.

And come to think of it, Wolff and I never discussed what would happen if this plan fails. Ganoon na ba ang tiwala niya sa akin o sadyang may tiwala siya kanyang plano?

The latter seemed believable, dahil ayon nga sa kanya, he knows better than to trust anyone other than himself. Malaki ang tiwala niya sa plano niyang ito. And because it was his plan to use me, he also established confidence in using me.

Tama, I know he's just using me. When things go wrong and everything falls apart, it will be me who will face the consequences. There are many possible outcomes, one of which is my permanent residence in Zone Z. Just thinking about it scares me to the bone.

Naramdaman ko ang malamig na hangin sa batok ko. I didn't get enough sleep, but surprisingly, I was wide awake. Sinulyapan ko ang suot kong relo, and it was five minutes before the gates would open. Malinaw pa sa alaala ko ang bawat kalkulasyon ni Wolff.

That the gates would be open for two minutes and forty-seven seconds and he had 2.54 seconds to lower the resolution of the surveillance cameras, and that I had my whole life at stake if this failed. The maps he showed me were also engraved in my mind, as if I had known the place for a long time.

Hindi ko pa rin mawari hanggang sa mga sandaling ito kung bakit ako pumayag sa kalokohang ito. What do I care if this has something to do with Wolff?

Isang bahagi ng isip ko ang nagsasabing iyon ay dahil sa gusto kong maliwanagan. I can have my peace of mind if I can finally conclude that Wolff and Seven are two different persons. Saka ko na lamang idadagdag sa isipin ko ang tungkol kay Odin kahit pa halos mabaliw na ako sa isiping posible bang nagkataon lamang na magkamukha silang tatlo.

Another cold breeze hit my face, and when I glanced at my watch, its almost time. Did I trust Wolff so much for me to be here, waiting for the perfect hour to infiltrate Zone Z? Tila may sariling utak ang mga paa ko. I slowly crept towards the dark side of the gate. Coming here was never easy but I guess Wolff already made plans before I even said yes to this.

WITH EYES TO SEETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon