Mick's POV:
I woke up as I felt that someone was tapping me.
"Hhhmm", I said as I rubbed my eyes.
"Beshy ko hindi ka pa ba kakain tulog ka ng tulog dyan eh", sabi naman ni Alexandra best friend kong lesbian.
"Sorry kulang lang sa tulog", sabi ko naman habang humahablot na ng pagkain. Naka order na si Alexandra ng pagkain namin at ang hinihintay nalang namin ay si Neo kaso, hindi pa sya dumating.
"Saan na kaya yung si Neo? At tsaka bat kulang ka sa tulog eh wala naman tayong project and assignments ngayon ah, tapos next week pa naman tayo magsisimula ng ating research ah. Teka speaking of research paper kulang pala tayo ng isa pang members tatlo lang tayo tapos kailangan apat na myembro dapat kada grupo, pano na yan?", sabi ni Alexandra o Alex na lang daw tawag sa kanya kasi sobrang pang girly naman daw yung Alexandra.
"Puyat lang ako, tsaka kausapin na lang kaya natin si ma'am Gwen na kulang talaga tayo ng myembro sa grupo at wala na tayong magagawa dyan.", sabi ko habang isinusubo ang Isang kutsara ng kanin at ulam.
"siguro, ang tagal naman ni Neo nagugutom na ako, uy mamaya ka muna kumain wala pa si Neo uy", sabi nya gusto nya sanang agawan ako ng kutsara kaso biglang dumating si Neo.
"Tigil nyo nga iyan para kayong mga bata G12 na kayo", sabi nya habang paupo nya naabutan nya kasi kaming nag-aagawan pa ng kutsara ni Alex, dinilaan ko naman si Alex at hindi nya na lang ito pinansin.
Ngayong kumpleto na kami nag-umpisa na kaming kumain at nagkwentuhan na din, magkaklase lang naman kaming lahat kaso halos kapag nasa klase kami hindi talaga kami nagkwekwentuhan. Focus sa acads kasi ang mga goal namin, since birth wala ni isa sa amin nagkakajowa. Lahat virgin pa even sa first kiss, virgin pa kaming lahat.
"By the way, Mick bakit ka ba na puyat?", tanong ni Alex sa akin, pati so Neo ay napigilan na rin sa pagkain at napatingin sa akin.
"Uuhh, ano kasi napuyat ako kakasearch sa Love", sabi ko na nahihiya
"Yan ka na naman eh, sa tanong na what is love?, love is love nga eh", sabi sa akin ni Alex, Neo is nonchalant about it since he's aromantic.
"Yeah I know love is love but I always think na something is missing about your explanation kasi eh", sabi ko.
"Huh? Ano pa ba ang gusto mong explanation, Mick para paniwalaan mo kami?", sabi ni Alex
"I don't know", sabi ko
While we were in our depths someone interrupted us.
"Hey, is this seat taken?", sabi ng estranghero
We all look up and realize that it's a boy, we haven't seen him around here and maybe he's a newcomer a freshie?
"Uumm no", sabi ko at umupo na din sya at first kinda awkward dahil walang nagsasalita sa among apat.
Not until Alex broke the silence.
"Hey, may I ask what your name is?", tanong ni Alex sa kanya nung una gusto ko syang pigilan kaso huli na ang lahat natanong na nya ito at sumagot na rin ang lalaki.
"I'm Lucas Braiden Castillo", sabi naman ng lalaki
"Oh okay and by the way I'm Alexandra Maputi but call me Alex for short and this is my friend Neo Ezekiel Charm and also this is Mick Foley Santiago", pakilala sa amin ni Alex sa lalaki
"Nice to meet you guys", sabi nya habang nakangiti kita ang kanyang mga mapuputing ngipin at ang labi nito ay kasingpula ng rosas, at nang ito'y tumawa ay bigla nalang nawala ang kanyang mga mata, ang buhok nito'y nakasuklay na parang isang matinong lalaki. Ang buhok nito ay maitim kagaya ng gabi na bumabalot sa buong mundo kapag ang buwan ay nawala na, may kataasan naman din ito na masasabi mong type ng mga babae.
Inaamin ko nagwagwapuhan ako sa lalaking ito pero bawal muna since, acads ang priority ngayon and beside I don't know what Love is yet.
Anytime later the bell rang and sakto naman tapos na kaming kumain lahat at isinauli na namin ang mga tray. Naisipan na din namin na bumalik na sa room at nabigla kami ng sumunod sa amin si Lucas sa amin, bakit kaya?
YOU ARE READING
What is Love?
عاطفيةDespite being a hopeless romantic, our main character, Mick Foley Santiago, doesn't know what Love is. Will his friends or family help him understand more about love, or is someone he may have been waiting for to explain to him what love is? Is this...