Mick's POV:Umuwi muna kami sa aming mga kabahayan bago kami nagkita-kita sa paborito naming convenience store ang Narawinians Convenience Store actually, ang nagmamay-ari talaga ng convenience store nato ay mag-asawa na puro lalaki.
Pinangalanan nila ito after their name since they can't make a baby, paborito din namin ang convenience store nato bukod sa malapit lang sa amin ay mababait din ang nagmamay-ari nito di kagaya sa iba na mga homophobic. Kunting rinig lang nila na bakla ka o myembro ka ng LGBT ay kung ano-ano na ang kanilang ibabatong tukso sa iyo, kaya ayaw ko talaga sa mga taong ganyan nakakainis kaya ibinalewala ko na lang. Pero kung iisipin mo ang sakit lang eh lahat naman tayo tao pero bakit iba-iba ang mga pananaw ng mga tao sa mga kagaya ko? Mga kagaya namin?
Una akong dumating sumunod naman si Neo at si Alex,pumasok na kami at ako ay kumuha ng aming paboritong flavour ng ice cream, si Neo naman kumuha ng inumin or juice bawal alcohol, at si Alex naman ay kumuha ng aming paboritong chips.Dumiritso na agad kami sa counter at nakita namin na si Sir. Pond ang nandito, hindi napigilan ni Alex na magtanong itong babae talaga na ito.
"Ah sir Pond, nasaan po si Sir Phuwin?", tanong nya kay Sir Pond habang chine-check out nito ang aming mga pinabili.
"Ah si Sir Nong Phuwin nyo ay lumabas lang may binili kaya ako ang natira dito, bakit may kailangan ba kayo sa kanya", sagot ni Sir Pond sa tanong ni Alex sumagot din naman si Alex
"Ah, wala naman po sige thank you po", sabi nya habang kinukuha ang nakabalot na sa supot ang mga pagkain na aming binili, nabayaran na pala ito.Dumiritso na kami sa aming bahay naabutan ko pa si mama na nasa kusina nag luluto.
"Anak, hali muna kayo dito may niluluto ako kainin nyo muna ito bago kayo kumain ng mga junk foods nyo", sigaw sa amin ni Mama
"Ah sige po ma", sagot ko naman kay Mama sinenyasan ko ang dalawa na pumunta na lang sa kusina at kainin ang kung anong pagkain man ang niluto ni mama
Umupo na kami sa upuan sa harap ng lamesa at doon nakahanda na ang mga pagkain, umupo na din si mama.
"Kain na kayo, at tsaka anak kanina tumawag sa akin ang papa mo next week daw dadating na sya", sabi sa akin ni mama tumango na lang ako at nagsimula na kaming kumain.
Lumipas ang ilang minuto ay tapos na kaming kumain lahat, nag boluntaryo ako na kami na ang magligpit ng pinggan at maghugas nito at pinayuhan si mama na magpahinga na lang. Nung una umayaw ito pero sa huli napilit din namin ito. Lumipas ang ilang minuto ay tapos na kami sa mga gawain at dumiritso na sa kwarto ko, nagpaalam muna kami kay mama na sa kwarto na kami at doon ay manonood kami ng palabas tumango naman ito at kami ay dumiritso na sa kwarto ko.
YOU ARE READING
What is Love?
Roman d'amourDespite being a hopeless romantic, our main character, Mick Foley Santiago, doesn't know what Love is. Will his friends or family help him understand more about love, or is someone he may have been waiting for to explain to him what love is? Is this...