one.

29 4 1
                                    

DISCLAIMER:

"Through Yesterday's Scenery" is my very first book, and I'm excited to share it with you.

However, I want to be honest that my writing may not fully meet your expectations, as I'm still learning and growing as a writer.

This story is a reflection of my journey, and there might be some typos or errors along the way.

I appreciate your understanding and hope that you find something meaningful in the pages, despite any imperfections. Thank you for taking the time to read my work!

__________

Minulat ko ang aking mga mata at umupo sa higaan. Ang sinag ng araw ay tumatama sa bintana, nagdadala ng mainit na liwanag sa loob ng kwarto ko.

Habang nakatingin ako sa labas, napansin ko ang mga ibon na lumilipad sa langit. Tulala ako, iniisip ang mga nangyayari sa buhay ko ngayon. Maraming tanong sa isip ko na parang walang kasagutan.

Ilang linggo na ang lumipas mula nang magbago ang lahat, pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit.

Tumayo ako mula sa kama, inayos ang mga unan, mga stuff toys, at ang kumot ko.

Alas sais pa lang ng umaga, pero alas otso pa ang pasok ko. Umupo ako muli sa kama, malalim na iniisip ang lahat ng nangyayari sa akin.

Napapanaginipan ko pa rin si Dio gabi-gabi. Parang paulit-ulit na eksena sa aking mga panaginip-kami noong high school, nagtatawanan at nagkukulitan habang naglalakad pauwi mula sa school.

All the memories we shared are so vivid in my mind, but every time I wake up, I am reminded of the harsh reality-si Dio ay nasa ospital pa rin hanggang ngayon.

Noong una kong napanaginipan siya, parang dinala ako pabalik sa mga oras na wala kaming iniintinding problema.

In my dream, I saw him smiling, looking strong, as if nothing happened. It felt so real and happy, but deep down, I knew it was just a dream-an illusion I wanted to hold on to.

Habang patuloy ang mga panaginip ko tungkol sa kanya, lalong lumalalim ang lungkot na nararamdaman ko.

Gabi-gabi, nakikita ko siya na masaya at malusog, pero tuwing nagigising ako, bumabalik ang katotohanang nakaconfine pa rin siya. Parang nakakabitin ang bawat panaginip.

Madalas sa panaginip, magkasama kaming kumakain ng street food sa tabi ng kalsada, nagtatawanan at nag-aasaran lang.

Sa isa pang panaginip, nag-aasaran lang kami habang kumakain ng kwek-kwek, parang walang nangyayaring problema. Natatawa siya habang tinutukso ako, pero biglang natigil ang lahat nang tanungin ko, "Darrell, gising ka na ba?" Ngumiti lang siya, walang sinabi, at biglang napalitan ng lungkot ang saya.

Sa bawat panaginip, bumabalik kami sa mga simpleng araw na magkasama kami, kumakain sa tabi ng kalsada. Ang saya ng mga alaala, pero alam kong hindi iyon magtatagal. Gigising ako ulit at haharapin ang malungkot na realidad.

Minsan naiisip ko, mas gusto ko nang manatili sa panaginip, kaysa sa magising at maalala ang bigat ng sitwasyon. Doon, kasama ko siya, masaya kami, nag-aasaran sa tabi ng daan, at parang wala nang dapat ipag-alala.

Sa paborito kong panaginip, magkasama kaming kumakain ng isaw, walang iniintindi. Pakiramdam ko, kahit hindi siya nagsasalita, alam niya kung gaano kabigat ang nararamdaman ko. Kahit doon lang, parang bumabalik ang dating saya.

Pero sa bawat paggising ko, bumabalik ang lungkot, tanong ko sa sarili, bakit sa mga panaginip lang siya masaya? Bakit kailangan kong magising sa realidad na hindi ko gusto? Kung pwede lang, mas pipiliin ko nang manatili sa mga alaala namin.

Through Yesterday's Scenery Where stories live. Discover now