Another hell week for us Political Science Students. Hindi nga exam pero recitation week naman. Sasabog na ang utak ko sa sangkatirbang hand outs na need namin i memorize or familiarize. Okay na na di makasagot atleast familiar.
"Okay class, please read in advance about the Article 1 of the 1987 Constitution of the Philippines, this includes the territory distance from land to water. I will include that one on our recitation this coming Thursday." Inform ng Professor namin. Actually this professor is our resident ombudsman here in our University. Bali-balita na mag reretire na sya next year since medyo may edad na talaga sya pero sobrang ganda nya padin. Malalaman mo talaga na may lahi sya because of her freckles and ang tangos ng ilong nya. Para nga syang witch eh pero mind you guys, super bait nya sa mga students and super considerate kaya one of the favorites namin sya sa univ.
"Goodbye class and you may now take your lunch everyone. Agad namang nagsilabasan yung mga classmates namin especially mga boys. Habang ako nagliligpit pa ng mga gamit kong pang notes including yung laptop ko.
"Bigat naman, dapat yung iPod nalang yung dinala ko." yamot kong reklamo sa sarili ko.
"Hi miss, tapos na kayong magklase?" gulat akong napatingin sa pinto nang may mababang boses na nagtanong.
"Ahh opo kuya! Tapos na po. Kayo ba yung susunod na gagamit?" tanong ko rin balik sa kanya.
"Yes miss, pasok na kami haa."paalam nya. Para naman akong may ari ng room na to.
"Sure po, aalis naman na din kami lahat." Ang awkward mga bakla. Nakatingin lang kasi sya sakin all throughout the conversation.
"May problem po?" Na awawkward kong tanong sa kanya.
"Awe, wala miss, ganda mo lang. Antoinne Rex nga pala miss, from Engineering." Pagpapakilala niya.
"Ahh hehe nice to meet you Rex, Kleya nga pala"
"Ohh nice to meet you too Kleya, cute ng name, bagay sayo."he said cutely. Ang gwapo nya mga bakla. Maputi, clean-cut yung hair. May kunting mustache at singkit yung mata plus matangkad talaga. Ang bait nya rin tignan and I can't see any malice with the way he approached me.
Makikipagchikahan pa sana ako sa kanya nang mapatingin ako sa wristwatch ko. Patay! Yung next class ko. Di pako nakakapaglunch.
"Sorry Rex, but I have to go. May logic class pako after lunch, di pako kumakain. See you when I see you Rex!" di ko na sya hinayaang sumagot at agad na tumakbo papuntang canteen para kumain. Di ko pa masyadong na enjoy yung food kasi kunti nalang yung nasa menu nila sa canteen. Wala yung fav ko so and ending nag porkchop nalang ako. Gusto ko sana yung medyo may sauce. Kaya kung gusto mo talagang makakain ng masarap, agahan mo.
Naging maayos naman yung klase ko buong maghapon. Part na talaga sa college yung survival kaya as long as kaya mo, laban lang.
Kasalukuyan akoong naghihintay ng taxi dito sa waiting shed sa labas ng university. Di kasi ako masusundo kasi may long trip sila Dad sa work nila. Sumama nalang din si Mom since may plus 1 daw sa trip na yun. Okay lang din naman para makapagbonding sila. Yung di puro work iniisip nila at ako.
"Sakay!" Para akong nagising nang sumigaw si Nash mula sa sasakyan na nasa harap ko ngayon. Trip neto? Baka may makakita pa samin ano pang isipin.
"Yoko nga, may pamasahe ako noh. Di ako pick up girl" pagsusungit ko sa kanya.
"Sasakay ka sa kotse ko ng mahinahon or need pa kitang isakay ng pahirapan?" banta nya. Nakatingin na samin yung ibang students which is very uncomfy na for me.
"Sakay ka na ate, mukhang galit na jowa mo" sabi ng babae na kasama ko naghihintay ng masasakyan dito.
"Fine!" Napipilitan kong sabi sabay lapit sa kotse
YOU ARE READING
The Sneaky Brute (Archi Series #1)
General FictionOn-going TransxStraight Story Audicious Kleya Guzman x Nash Claude Muñez