Chapter 6

536 17 5
                                    

"Your prom will be held three days from now. I want you to choose your own partner," Ma'am Villacarlos announced from the class.

The class starts to rumble. Sila lang naman ang mag-e-enjoy sa prom na 'yan pati na si Lance na mas excited pa sa mga kaklase namin. Kulang na lang, siya ang mag-fund at gumastos sa prom.

"Dude, I'm excited na!" Lance elbowed me. "May napili ka ng partner?" Usisa niya sa akin.

I only roll my eyes and smirked. "Hell, I'd rather sit on the corner rather waltz in the middle of the crowd."

"Mag-enjoy ka naman kahit minsan, pre. Halos mga libro na palagi ang kaharap mo. Pwede mo naman akong isayaw sa prom, walang kaso sa akin..." he said and even explain with his hand gestures. "Promise, magiging masaya ka sa prom!"

Tinulak ko lang ang balikat niya dahilan para mapaupo siya. "Isayaw mo ang sarili mo, pre. I don't want a crowded area and I am not even interested at all."

"Grabe ka naman, pre. Ayaw mo ba akong maging partner?" Pagda-drama niya na hindi ko pinansin.

I am not really interested with that kind of occasions. I'd rather read books in the library than waltz with loud people.

"Kayo na ang bahala, masquerade ang theme. I hope na lahat kayo mag-participate kasi may grade 'yon." Si Ma'am Villacarlos bago umalis sa room namin.

Napailing na lang ako sa ingay ng mga kaklase ko at sinabayan pa ni Lance ang lakas ng hiyawan. Nanatili lang ako sa dulo para pagmasdan sila hanggang sa may lumapit sa akin na kaklase ko.

"Uh, may partner ka na ba?" Nahihiya niyang tanong at napakamot pa sa batok.

Hindi ko matandaan ang pangalan niya kaya humalukipkip ako.

"I don't have time for that," I said with rejection in my voice. "Choose someone else because I am not interested."

She looked down in defeat as she walk away. Lance—who saw what happened come to my direction with a smirk plastered on his lips.

Nanatili lamang na nakakunot ang aking noo. Mang-aasar na naman siya dahil tumanggi ako. Actually, kanina pa siya enjoy na enjoy at mukhang may partner na siya.

"Dude, you reject that girl?"

I shot up my brows at him. "Yeah, I am not interested."

"Kahit bigyan kita ng 200k?" Lance offered without hesitation. "Pumili ka lang ng partner mo, dude. Ako bahala sa'yo." He tap my shoulder and move closer to me.

Tinapik ko ang kanyang kamay na nasa aking balikat. Tangina talaga. Two hundred thousand? He is willing to pay me that big just for a prom? Damn, rich kid!

"Gago. Kahit isang milyon pa ang ibigay mo, makaka-attend lang ako sa gabing 'yan pero hindi ang makipag-sayaw." I said and walked away from him. Not even wanting to make a discussion about the upcoming prom.

I was walking in the hallway when I bumped into someone else. Medyo malakas ang pagkabangga kaya nahulog ang mga papel na hawak niya.

"Bwesit! Hindi kasi tinitignan ang dinadaanan!" Iritado ang boses ng babae na hindi ko naman kilala.

My brows shot up and towered her as she picked up those papers na nagkalat. Sa akin pa talaga niya isinisi na nabangga ko siya. Siya itong tanga na hindi nakatingin sa daanan.

Wounds Of The Hearts, Justice Of The MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon