[PT.2] CHAPTER 61 - Welcome Back

3.6K 163 8
                                    

Nakatayo lang si Mika mula sa pintuan habang nakatingin kala Addison and sa anak niyang nakikipagharutan sa isang lalaki na ngayon lang niya na kita.

"Sana po magkaroon din ako ng Dad nakatulad niyo po" sabi ng anak niya.

"Okey lang naman kung Dad mo ko, kung papayag si Mommy" natatawang sabi nung lalaki.

At tatlo silang nagtatawanan..

Agad din siyang napansin ni Addison kaya napahinto ito sa kakatawa at agad napatayo.

"M-mika?" Nauutal na nabibigla niyang sabi na para bang hindi mapaniwalang makita si Mika.

Agad din napahinto ang lalaki pati ang anak niya ng sabihin ito ni Addison kaya naman napatingin din ang dalawa sa direksyon kung saan nakatingin si Addison.

Ngumiti lang ng papilit si Mika sakanila..

"May bisita pala? hindi ako na inform?" cold napagtatanong ni Mika...

"Mika...." Addison said

"Who are you?" Pagtatanong ni Mika sa lalaki nakahawak sa balikat ng anak niya.

"Dan- Danielle Fernandez hmm fr-" habang inaabot ang kamay niya ngunit...

"Oh Danyel? Femnadez? thanks for today" Sabi ni Mika na may kakaibang ngiti at binuksan niya muli ang pinto at nagaabang sa pintuan.

Tumingin pa si Daniel kay Addison at tumango lamang sakanya si Addison.

"Hmm okay thanks Addi see you again tomorrow" sabi nung lalaki at yumakap pa sa anak niya pati kay Addison.

Nakatingin lamang si Addi kay Mika na may matalim na pagtingin sakanila kaya naman agad ng inalis ni Addi ang pagkayakap.

"Hmm sige na Dandan bukas na lang" sabi ni Addi at agad naman tumango na si Daniel at tumingin pa muli kay Mika bago pa ito tuluyang lumabas.

Sinarado ni Mika ang pinto ng dahan dahan na halos walang ingay at sumandal ito sa pinto.

She closed her eyes and deep breaths before siyang tumingin sa magina niya.

MIKAELA'S POV

Nakatingin ako sa magina ko na kasalukuyang magkayakap..

"I miss them, I want a hug too"

Naglakad ako palapit sakanila ngunit umatras sila kaya napahinto ako..

"Good to see you na nakauwi kana-una na kami, maaga pa pasok ni Kel tomorrow" Addison said at agad niyang hinawakan si Kel.

"Really? Ganyan niyo ba ko iwwelcome?" Pagtatanong ko kaya napatigil si Addison.

Binulungan niya ang anak namin at agad naman itong umakyat tapos humarap siya sakin.

"3 months Mika! 3 months! Buti na isipan mo pang umuwi?" Sabi ni Addi na may galit sa tono niya.

"So hindi na ko welcome katulad nung Dandan mo?" Sagot ko

"Mika it's not what you think" Addi said

"Wala akong iniisip Addi" agad kong sagot.

Napahinto siya sapagsasalita at napabuntong hininga.

"You know what Miks, pahinga na lang muna tayo" she said at aakma ng aakyat.

"Babi....hindi mo ba ko namiss?" Agad kong tanong at muli siyang napatingin sakin.

Lumapit ako sakanya tapos inabot ko sakanya yung dala kong flowers and yung favorite niyang lasagna tapos ngumiti sakanya.

"Hindi mo naman need gawin yan" Sabi niya na walang emosyon sa mukha kaya naman dahan dahan nawala yung ngiti ko.

AROUSES • MIKHAIAH 🔞Where stories live. Discover now