"Marami palang wrong spelling, typos and grammar
Intindihin nyu nalang, tamad akong I correct yun"
⟨CONTINUES⟩
Matapos pumikit ni Nathan ay mabilis na tumakbo papunta sa direksyon nila si West at humarang ito sa kanyang harapan tsaka sinalo gamit ang magkabilang palad ang baseball bat ng dalawang lalaki na nasa magkabilang gilid niya habang nakatukod sa dibdib ng lalaking nasa gitna ang kanyang kanang paa dahilan para hindi ito tuloyang makalapit sa kanya at maiwan sa ere ang baseball bat na hawak nito
Nagulat ang tatlong lalaki sa bigla niyang pagsulpot at nang mag-angat siya ng tingin ay bumakas ang takot sa mukha ng mga ito ng makasalubong ang kulay pula niyang mga mata na walang bahid na kahit na anong emosyon
Hindi naka-kilos ang mga ito at tila natuod sa kinatatayuan nila kaya sinamantala niya iyon at tsaka bahagyang binawi ang paa sa dibdib ng lalaking nasa gitna bago iyon sinipa at parang papel naman itong tumilapon at tumama sa hood ng sasakyan nito na bahagyang nagupi
Ilang segundo na ang lumipas ay hindi pa rin nakakaramdam ng sakit si Nathan at ng may marinig siyang parang tumalsik ay agad siyang nagmulat ng mata at napanganga ng makita ang isang misteryosong tao na nakatayo sa harapan niya at nakatalikod sa gawi niya, salo salo nito sa magkabilang palad ang baseball bat ng dalawang lalaki
Umawang ang kanyang labi ng makita ang isang pang lalaki na mukhang nawalan ng malay matapos tumama sa harapan ng sasakyan nito, mukhang ito rin yong narinig niyang tumalsik
Inapakan ni West ang paa ng lalaking nasa kanan niya dahilan para mapadaing ito at mabitawan ang baseball bat na hawak niya tsaka yumuko upang hawakan ang kanyang paa pero isa iyong malaking pagkakamali dahil nang maiwan sa palad ni West ang baseball bat ay agad nito iyong pinaikot kaya ngayon at maayos na itong hawak ng dalaga
"Sleep well." Wika nito at bago pa mai-angat ng lalaki ang kanyang ulo ay tumama na sa kanyang mukha ang baseball bat na hawak ni West dahilan para agad siyang mawalan ng malay
"And the last one." Binalingan ni West ng tingin ang natitirang lalaki kaya nanlaki ang mata nito at tsaka mabilis na binitawan ang baseball bat na sinalo niya tsaka ito tumalikod at akmang sasakay sa kotse niya pero agad na inihagis ni West ang baseball bat papunta sa direction nito at agad iyong tumama sa likuran ng ulo ng lalaki dahilan para masubsob ito sa kalsada at kagaya ng dalawang nitong kasama ay nawalan rin ito ng malay
"Weak." Iling na wika ni West tsaka binitawan ang isa pang baseball bat na hawak niya
Pinagpagan niya ang kanyang kamay tsaka nilingon si Nathan na nakatulala lang habang nakatitig sa kanya
Nang magtama ang paningin nilang dalawa ay umawang ang bibig nito ng makita ang mga mata niya
"Y-your eyes." Mahina nitong wika kasabay ng pag-ihip ng malakas na hangin ay ang pagka-hulog ng hood na nakataklob sa ulo nito kaya ngayun ay buo niyang nakita ang itsura nito
"B-babae ka?!" Hindi makapaniwalang saad ni Nathan tsaka ito pumikit ng at humawak sa kanyang ulo ng umikot ang kanyang paningin
Isang malutong na mura ang pinakawalan niya ng unti-unting lumabo ang paningin niya at bago pa sya bumagsak sa semento ay naramdaman niya na ang pagpulupot ng dalawang mainit na braso sa kanyang bewang at batok para hindi siya tuluyang mahulog
"Thank you MS. Red Eyes." Huli niyang saad bago tuloyang lamunin ng dilim
Napangiti naman si West dahil sa tinawag nito sa kanya
"Ms.Red Eyes huh? Not bad." Wika niya sa sarili
"Master Nathan! Nasaan ka ba?"
Maingat niyang inilapag sa semento si Nathan ng marinig ang mga boses na papalapit sa direction nila
YOU ARE READING
HEARTLESS ALEXA (ACOSTA 1)
RandomI would never ever be fall in love in a boy, but maybe a man, a man who can handle me
