"Marami palang wrong spelling, typos and grammar
Intindihin nyu nalang, tamad akong Icorrect yun"
⟨CONTINUES⟩
Eh, b-bakit ka ba kasi lumalapit?" Balik na tanong ni Nathan kay west kaya napabuntong hininga nalang siya tsaka iisang hakbang ang pagitan nila kaya sa gulat ay napahakbang ito paatras at sakto naman na locker na ang nasa likuran nito kaya mabilis niya itong kinulong ng mga braso niya
Tumaas ang sulok ng labi ni Nathan tsaka biglang pumikit
Napangis nalang si west tsaka ipinasok ang kamay sa bulsa ng slacks ni Nathan at lumayo siya dito dahil yun lang naman ang pakay niya dito
Why did you close your eyes? Do you think i will kiss you?" Ngising tanong ni west kaya agad na napadilat ng mata si Nathan na ngayun ay namumula sa inis at hiya
B-bakit ko naman iisipin yun? H-huwag ka ngang assuming." Inis niyang singhal dito para pagtakpan ang kahihiyan na ginawa niya
Still denying huh? Then why did you close your eyes?" Manunuyong tanong ni west bago pumikit at hinubad ang glasses nito bago ipinunas sa mukha nito ang panyo ni Nathan na kinuha niya kanina sa bulsa nito
Napatitig naman ang binata sa kanya pero agad ring napa-iwas ng tingin dahil tila mas naging maganda ito sa kanyang paningin dahil wala na itong suot na salamin, first time niyang makita na walang suot na salamin si west
Ibinalik ni west ang salamin matapos punasan ang kanyang mukha
N-napuwing ako kaya ako pumikit." Pagpalusot ni Nathan kahit na ang totoo ay inakala niya talaga na hahalikan siya kanina ni west
Pakiramdam niya ay parang nababaliw na siya para isipin ang gano'ng bagay pagdating kay west
Hindi naman umimik si west sa isinagot niya at ginawa lang na towel ang panyo ni Nathan tsaka ipinunas sa basa nitong buhok at katawan
Gusto niya itong singhalan dahil sa ginawa nito pero itinikom nalang ang kanyang bibig dahil pakiramdam niya may kasalanan din naman siya sa nangyari dito
Humogot siya ng malalim na buntong hininga nang maalala ang kanyang dahilan kung bakit niya ito sinundan
Bakit Hindi ka lumaban? Alam naming kaya mo yung iwasan o saloin,.bakit Hindi mo ginawa? Alam kong sinadya mong hindi iwasan o saloin yun kahit alam mong kaya mo naman." Seryosa niyang tanong tsaka huminto ang kanyang paningin sa pisnge nitong may gasgas at sa gilid ng labi nito na pumutok sa suntok kanina sa kanya ni leo
Napalunok siya tsaka nag-iwas ng tingin dahil pakiramdam niya ay parang nanunuyo ang kanyang lalamunan habang nakatitig sa mapupulang labi ni west
It's none of your business, kid." Sagot ni west tsaka tinalikuran kaya inis niya itong nilingon
It's my bus____"
I'm just your BODYGUARD, right? Kahit masaktan ako o mamatay labas ka na don tsaka wala ka na ding paki-alam." Pagputol ni west sa kanyang sasabihin
Napabuntong hininga naman si Nathan tsaka muling tiningnan si west. Narinig pala niya ang sinabi ko kanina kay luna
Ikaw na ang nagsabi, BODYGUARD KITA,kaya nga nag-aalala ako,dahil paano mo ako mapro-protektahan kung ang sarili mo mismo ay Hindi mo kaya? Paano mo'ko ilalayo sa mga bagay na makakasakit sa akin kung ang sarili mo mismo ay hinahayaan mo lang na masaktan." Seryoso niyang turan kaya nilingon siya ni west at sinalubong ang mga titig niya
don't worry kid, I'll protect you no matter what happened,masaktan man ako hindi yun magiging dahilan para hayaan kong maranasan mo ang naranasan ko,magtiwala ka kang sa'kin yun lang ang gusto kong gawin mo havang ginagawa ko naman ang trabaho ko naman ang trabaho ko." Walang emosyong turan ni west tsaka tumalikod palabas " nga pala bilhan mo'ko ng t-shirt at hoodie don." Dagdag pa nito tsaka nakapamulsang bumalik malapit sa locker
YOU ARE READING
HEARTLESS ALEXA (ACOSTA 1)
RandomI would never ever be fall in love in a boy, but maybe a man, a man who can handle me
