I. The Clef
Davi POV
I got awake by the knock on my door, making me frown as I forced myself to sit in my bed. Half-eyed, I try to check the time on my wristwatch.
"Shit? 4:20 am? Napaka aga naman nang gugulo na 'to" I mumbled as the knock on my door continued, I let out a heavy sigh as I rubbed my face using my palm because of frustration.
Tumayo na ako upang buksan ang pinto ng dorm ko. Shit talaga kapag 'di mahalaga 'to makakasapak talaga ako ng tao.
Binuksan ko ang pinto at sumalubong sa akin ang mukha ng landlord ng dorm na 'to-- si Ms. Lara. Sinubukan ko ang best ko na hindi ipahalata sa kaniya ang irita na nararamdaman ko.
"Oh! Davi, nagising ba kita?"
Alam ko naman na nakokonsensiya talaga siya dahil halata iyon sa kaniyang expression at boses pero hindi ba obvious na kaya naman niyang sagutin ang sarili niyang tanong.
Kahit gaano ko kagusto bumuntong hininga at mag-rolled eye sa harap niya ay mas pinili ko umiling at ngumiti na lamang.
"Hindi naman po, ayos lang, bakit po pala?"
Bakit po kayo nandito nang ganitong oras super kaunti na nga lang ng time na p'wede ako matulog.
"Ah, kasi gusto kita iinform na gagawin na kasing storage room 'tong k'warto mo. Nako pasensiya ka na ah, ngayon ko pa sinabi sayo at sobrang aga pero kasi kailangan na ito mamayang gabi."
Ramdam ko rin na nawala na lahat ng antok ko sa katawan.
"Wala na po bang ibang k'warto Ms?" Tanong ko pa habang kinukusot ko ang aking kaliwang mata.
"Wala na e, saka mas malapit kasi ito sa may reception kaya madali magpabalik-balik at isa pa balak ko rin ito ipa-renovate. May lilipatan ka naman na, huwag ka mag-alala, Oh ito.".
Saka niya inabot sa akin ang isang peraso ng papel na may kasamang susi spare keys iyon malamang, agad ko naman tinignan 'yong papel at may number na naka sulat duon.
"Ayan, sa third floor lang naman, naipa-duplicate ko na rin ang susi na 'yan" Wala na ako nagawa kundi tumango, wow nice... just nice.
"Ah, sige po" Ang tangi ko na lamang sinabi dahil kapag nag-protesta pa ako ay baka masagot ko lang si Ms. Lara ayaw ko naman mapaalis sa dorm na 'to 'no at sa Uni mismo, anak kasi ng owner ng Uni 'to si Ms. Lara.
Hinintay ko muna siya na makaalis bago ko muling isarado ang pinto, kumaway pa nga. Napabuntong hininga na lamang ako nang maisara ko na ang pinto ng dorm ko.
Tinignan ang papel at susi na hawak ko, dahilan para mapa-irap ako saka inihagis nang marahan sa ibabaw ng study table ko ang papel na ibinalot ko sa susi, habang tamad na bumagsak ulit sa kama ko. Isa lang naman ibig sabihin ng paglipat ko ng dorm, magkakaruon na ako ng kahati na mas lalong nag painis sa akin.
Bahala na, mas pipinili ko na lang matulog at mamaya ko na iisipin ang pagliligpit ng mga gamit ko bonus na lang yata ay weekend ngayon.
Hindi ko namalayan na nakatulog nanaman ako, kinapa ko ang aking cellphone sa ilalim ng comforter saka duon tinignan ang oras.
"Alasnwebe na" I murmured under my breath when I saw the time on my phone, as I rubbed my eyes using the back of my hand and forcefully sit in the edge of my bed.
"Tngna saan ako magsisimula" Saka ko Iginala ang tingin sa aking k'warto, mga instrument ko na nakaipon sa gilid, mga libro para sa iba't ibang major sa aking program na halos hindi maayos ang pagkakalagay sa shelf at mga damit ko na hindi pa nakatupi, buti na lang din at kaunti lang ang sapatos na ginagamit ko.
YOU ARE READING
Beat Of Every Echo
Romance" Is it possible that we can use music to say things we cannot express? Is it possible? Well then, if it does, therefore, I will write a hundred songs and produce a thousand Echo of sounds to express the Beat of things I cannot say, as well as thing...