2: Andante

7 0 0
                                    

II. Andante 

Author's note: This chapter will be written in the third person POV, the next chapter, and so on. First-person POV is just for the first chapter, therefore, the rest will be in the form of  3rd person POV. Thank you <3 

Hindi mapakali si Davi kakaisip kung paano ba siya mag-aadjust ngayon na may dormmate na siya. Matagal niyang tinitigan ang susi na ibinigay sa kaniya ni Ms. Lara habang iniisip na nasanay siya sa personal space na p'wede galawan at gawin ang mga bagay na gusto niya, huminga na lamang si Davi nang malalim saka umiling at tuluyang sinusian ang pinto na nasa harap niya. 

When the door swung open Davi pushed it using her body the dorm was so quiet and the only light was coming from the window of the kitchen, she sighed as she looked around her new dorm if only she had not smelled the honey-sweet-perfume around the living room and the pair of pink slipper on the mat she will think that there is no one living here.  Napailing muli si Davi sa naisip, paanong wala siya kasama halos kompleto na ang gamit sa loob ng dorm. 

Davi took a deep breath and hesitated for a moment, glancing at the pink slippers before carefully settling her sneakers down next to them. Her situation is slowly sinking into her after she opens the light making her see the living room clearly, 'It was so... pink' she thinks as she blinked a few times. The walls are painted in a crepe pink color, and the white curtains have a small flower design, the flamingo color of the pillows on the couch. 

"What a distinctly feminine taste..." Davi mumbled trying to compose herself knowing the shades of color pink were way more far from her color palette. 

Bumuntong hininga muli si Davi sa kaniyang sarili saka isa-isa nang binuhat ang box ng gamit niya papunta sa living room, iginala niya muli ang kaniyang tingin upang mahanap ang kaniyang sariling k'warto. Nakita niya ang pinto na color brown at alam niyang iyon ang kaniya dahil ang isa pang pinto na kaniyang nakita ay Pastel pink ang color. Sakto lang ang sukat ng bagong dorm, mas malaki nga lang nang kauti kaysa sa dati niyang dorm, muli niyang binuhat ang mga box sa harap ng k'warto niya saka iyon binuksan. Hindi na siya nagulat kung ang laman lang niyon ay isang closet, kama na walang bedsheet, at isang plain na study table. Pinindot niya ang ilaw ng k'warto at thankful na lamang siya na plain white pa rin ang kulay ng pader. Wala na siyang inaksayang oras at itinulak ang mga gamit niya papasok ng sarili niyang k'warto saka ibinagsak ang sarili sa kama.  

Nawala ang atensiyon niya sa kisame na matagal niyang tinitigan nang mag-vibrate ang cellphone niya sa bulsa ng kaniyang jeans. Kunot noo niyang kinuha ang kaniyang cellphone sa loob ng kaniya bulsa at agad na nakita ang pangalan ni Gael sa screen ng kaniyang cellphone. 

 Message

GaelTheGreat

Ano dude kumusta dorm mo?

Siguro mas better 'yan ngayon kesa sa
mabaho mong k'warto 🤣🤣

 Tangina mo, block ko number mo jaan e.

Pero seryoso par hindi ko talaga alam  saan nila nakuha 'yong idea na

 gawing storage room k'warto.

Nakakaasar. 

Buti nga sayo 🫵🏻🫵🏻

Pero ano kumusta?

Maganda ba?

Maganda rin ba new roommate mo? 

Anong maganda?

Beat Of Every EchoWhere stories live. Discover now