7 (SPG)

1.7K 101 2
                                    


ILANG minuto nang nakatanggap si Cole ng reply mula sa seller.

Seller: Iyong true love nanakatakda sa 'yo, makikilala mo siya sooner or later, Sir.

Click: How would I know?

Seller: Mararamdaman mo na lang. Minsan ay hindi rin agaran ang epekto. You may meet her soon, but you wouldn't feel the love right away. May tamang panahon din kasi para d'yan. Bale ilalapit lang sa iyo ng magic candle ang true love, it will bind you together. Then you have to wait from there.

Bakit niya ba pinatulan ang kalokohang ito?

Click: Bind us together how?

Seller: It depends. It might make you attracted or interested in each other, it might make you friends at first, feel at ease, get closer...

Click: Bakit ang bilis naramdaman ng ex ko iyon sa true love niya?

Seller: Sabi ko nga, Sir, it depends. Ganoon talaga. Mabilis sa ibang tao, sa iba ay work in progress.

Click: The candle smells nice. Have you ever tried it?

Ewan niya bakit niya naitanong bigla iyon.

Seller: No, I haven't tried it.

Click: Why?

Seller: I think that's none of your business.

Napatawa bigla si Cole sa nabasang reply ng kausap.

Click: Maniniwala na sana ako kung may back-up na true experience ang products ninyo.

Seller: Pakibasa na lang po ang reviews ng products namin.

Click: Bakit ayaw mong subukan nang maikuwento mo sa akin ang epekto?
Seller: Because I don't need to find my true love.

Click: Ah, kapiling mo na siya ngayon?

'Tangina, napa-sanaol pa siya sa isip.

Seller: No.

Click: No? Ayaw mong hanapin?

Baka hindi na ito single, naisip ni Cole. But then, Olivia wasn't single when she seeked for her true love.

Seller: Ayokong hanapin, Sir.

Cole: Why? Are you with someone right now?

Bakit ba siya nakikipagkulitan sa seller na ito? Ni hindi niya alam kung ilang taon na ito, kung matanda na ba, babae o lalaki. Pero pakiramdam niya ay babae ito at hindi sila nagkakalayo ng edad.

Nang hindi ito sumagot ay muli siyang tumipa.

Click: Paano kung nasa isang relationship ka, gusto mo pa rin bang hanapin ang true love mo?

Seller: Kung mahal ko iyong karelasyon ko ay hindi na.

Click: Paano kung hindi siya ang true love mo?

Seller: Hindi ko na malalaman iyon. At hindi ko na rin kailangang malaman.

Click: Okay lang sa iyong makasal pag ganoon?

Seller: Bakit naman hindi kung mahal ko naman siya. Not everyone gets to marry their true love and that's okay. Love is still there, and it's real.

Click: Buti ka pa.

Seller: Not really.

Click: What do you mean?

GET CHARMED Hubaderos 3: ColeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon