Pinanganak ako sa Baliuag on December 1999. I was a healthy baby; mataba at bibong-bibo. Walang naging problema sa pagpapanganak sakin, pero merong problema bago ako ipanganak.
My mom originally planned to abort me, dahil she wanted to be a promo girl in Japan. My dad confronted her.
"Hindi ka pwedeng pumunta sa Japan! Di mo ba alam yung ugali ng mga yakuza don? Magiging bayaring babae ka lang!"
Nagtengang-kawali lang si Mama. She continued the plan to abort me. Ginawa niya ang lahat ng superstitions at haka-haka kung paano ma-miscarry ang baby: tumalon tuwing umaga at umupo sa hagdan ng bahay. Uminom din siya ng mga pampalaglag galing sa Quiapo, yung mga capsules at syrup. Determinado talaga siyang patayin ako.
She changed her mind when I was born, and she kept me. My dad only told me this when my grandfather's brother died, and when we reunited.
Oh, oo nga pala, separated ang family namin.
BINABASA MO ANG
Plainly Exhausted
Non-FictionSiguro you would think it would be shallow if I say na gusto ko ng magpakamatay because of the challenges I face. Maybe you would say, "ang hina mo naman! Problema lang yan, may solusyon pa dyan!" But, I'm tired of finding solutions for my problems...