My siblings and I celebrated two Christmases, two New Years and other occassions. Lumaki kaming magkahiwalay na talaga ang mga magulang namin. It started from abroad.
Kailangan namin ng pera. Di sapat ang mga papalit-palit na trabaho ni Daddy sa Manila para tustusan ang mga pangangailangan namin, kaya nagdesisyon ang mga magulang ko na mag-abroad ang padre de pamilya.
Sa Dubai napadpad si Daddy bilang security officer. Maganda ang buhay; nabibili namin ang gusto namin, nakakakain kami ng wasto at nasa oras. Nakakausap namin si Daddy through Skype and text messaging. Nakapagtayo kami ng small sari-sari store sa gilid ng bahay namin, na nasa harap ng kalsada. Konting hakbang at nasa harap mo na ang patubig: dating malinis, pero sa kasalukuyan, naglipana ang mga diaper at patay na aso dun.
Maybe around seven to nine years old ako nung nangyari yung event that changed our whole lives. Tumawag si Mama kay Daddy para kumustahin, pero mukhang ang lumantad sa pandinig ng Mama ko ay boses ng isang babae, at nasa tabi niya pa ako nung mangyari yun.
My memories from the past is a little vague; di ko nari-recall lahat, pero I remember parts of the tragic experience.
Naghiwalay sila Mama at Daddy, then poverty striked back. Naghirap kami, and it came to the point na tubig nalang ang pananghalian namin. Minsan, yung paketeng de budbod sa kanin. Minsan, toyo nalang. Wala kaming choice, dahil ang trabaho lang ni Mama ang inaasahan namin: pagbebenta ng mga gamit mula sa Avon, Natasha, etc.
Marami pa kaming pinagdaanan para medyo makaluwag sa buhay. Naging dealer ng Vita Plus ang Mama ko, nakapagbenta ng insurance plan, nakapag-engganyo ng mga taong bumili ng bahay, nagtinda ng halo-halo, banana cue, groceries, turon, at iba pa. Nagdaan muna kami sa sobrang baba bago naka-angat sa buhay.
Pero, paano nga ba kami naka-angat?
BINABASA MO ANG
Plainly Exhausted
Non-FictionSiguro you would think it would be shallow if I say na gusto ko ng magpakamatay because of the challenges I face. Maybe you would say, "ang hina mo naman! Problema lang yan, may solusyon pa dyan!" But, I'm tired of finding solutions for my problems...