1

7 0 0
                                    

hi, ako si Celine Eloise, De Guzman. Tatlo kaming mag kakapatid. Si kuya Jungwon, ako at si Claire, ang bunso naming kapatid. Masaya ako dahil kahit sinasaktan ako nila mama at papa, nandito pa rin si kuya para bantayan at protektahan ako kila mama.

Pero, kahit ako rin. Naguluhan kung bakit ayaw sa akin ni mama at papa. Wala naman akong ginawa para hindi nila ako magustuhan. Sinusubukan ko yung best ko para magustuhan nila ako at maalagaan nila ako.

Kahit si Claire rin, ayaw sa akin.

____________________________________________________

Time skip.

“Mama? pwede pong makahingi ng pera? may kailangan lang po akong bilhin" sabi ko kay mama habang nakatingin sa kanila. Wala si kuya ngayon, nasa trabaho siya. Kaya wala ako ngayong kakampi dito sa bahay.

"Anong pera? saan mo gagamitin? ’wag na, baka masayang lang ang aking pera sa walang kwentang kagaya mo." sabi sa akin ni mama. Nasaktan ako sa sinabi niya, ako? walang kwenta? sinusubukan ko naman yung best ko ah?

"Ah, sige po. Tska na lang po" banggit ko at pumunta ng kwarto. Naisipan kong himingi kay kuya ng pera, kailangan na kailangan ko talaga kasi ’yon para sa project sa school.

___________________________________________________
                                       "kuys ko 💞"

Celine: "kuya?"

Jungwon: "oh, hi bunso ni kuya. Bakit ka napa chat?"

Celine: "Kuya, sorry po. Pero kasi kailangan ko po talaga eh. Mang hihingi po sana ako ng pera sa’yo, kung pwede lang po, kuya 😊"

Jungwon: "oo naman. Ikaw pa, magkano ba?"

Celine: "Okay na po sa akin kahit 50 lang po 😁😁"

Jungwon: "50? baka kulangin ka, dagdagan ko na lang, okay?"

Celine: "Thank you, kuyaaaa, the best ka talaga hehe, I love you kuya 😘 ingat ka po d’yan"

Jungwon: "Hahaha, opo, mag iingat si kuya. I love you more bunso ko, ingat ka diyan ah? ’wag mong hayaan na saktan ka nila mama at papa."

Celine: "opo kuya"

Kuys ko 💞 react ❤ to your message.

End of the conversation

_______________________________________________________

Natanggap ko na ang pera na binigay ni kuya, 400 ang dinagdag niya, sobrang pasalamat ako dahil mahal din ang mga bilihin. Kasama ko ngayon ang mga kagroup ko at pumunta kami sa mall para bumili ng mga kailangan. Halos 390 lahat ng nagastos namin sa pamimili para sa project namin sa school.

Nandito ako sa bahay ng isa kong kaklase dahil alam kong bubungangaan nanaman ako ni mama, at mapapahiya sa mga kaklase ko. Ayokong malaman nila na gano’n ang trato sa akin ng aking mga magulang. Ayoko rin mapahiya sa kanila, kaya sa bahay na lang ng kaklase ko kami gumawa nang project.

Lima kaming mag kakagrupo, ako ang leader sa group namin, at nag sisimula na kami ngayon gumawa ng aming project.

___________________________________________________

Time skip.

Ngayon isusubmit ang project namin, at ngayon din namin malalaman kung sino ang 3rd, 2nd, 1st winner.

Competition din kasi ito. Kaya agad namin itong tinapos, pero ginandahan din. Maganda rin ang pag kakagawa namin, pero hindi ako sigurado kung kami ang mananalo, dahil meron pang mas maganda kesa sa amin.

Pero kahit hindi kami manalo, okay lang. At least we tried our best, and that’s enough.

Teacher: "Ang ating 3rd winner ay ang group 5"

Nag palakpakan ang lahat, maganda ang gawa ng group 5. Kahit ako nagustuhan ko rin. Group 4 kami, at sana kahit 2nd lang, okay na kami.

Teacher: "ang ating 2nd winner ay ang group 1"

what? ang ganda ng gawa ng group 1 ah? bakit hindi 1st? baka sadyang may taste lang si ma'am, decision naman iyon ni ma'am.

Excited na kinakabahan ako kung sino ang 1st winner, dahil malaki rin ang grado na makukuha namin dito sa project na ito.

Teacher: "Ang ating 1st runner-up ay ang..."

Nagtataka kaming lahat kung sino ang 1st runner-up. Naka-eye contact ko si maam at bigla siyang nag salita.

Teacher: "1st runner-up ay ang group 4!"

Nagulat ako at natuwa dahil kami ang 1st runner-up, nag pasalamat sa akin ang mga aking kagrupo dahil binuhat ko daw sila. Tumawa lang ako at nag thank you rin dahil malaking ambag din sila.

Middle child Where stories live. Discover now