Umuwi akong pagod sa bahay at nadatnan ko na nag aaway si mama, papa, at kuya.
Pinag-tutulungan nila si kuya. Agad ko silang inawat, at pumagitna.
"Ano ba ma, pa!" inis kong sigaw kay mama at papa, pinagtutulungan nila si kuya, hindi pwedeng wala akong gagawin. Lagi na lang ako pinagtatanggol ni kuya sa kanila, kaya tutulungan ko ngayon si kuya.
"Huwag kang makielam, Celine!" sigaw ni mama sa akin, at bigla akong sinampal. Sa sobrang lakas ng sampal ni mama sa akin, namula ang aking pisngi.
"Ma, you're hurting Eloise. Nakukuha mong saktan si Celine, pero 'yang Claire na 'yan hindi? sabihin mo na sa amin na mayroon kayong favoritism. Hindi pantay-pantay ang trato niyo sa aming magkakapatid. Mabuti na nga lang na naka graduate na ako at may trabaho na ako." sabi ni kuya kila mama at papa, hawak-hawak ni kuya ang kamay ko, para agad niya akong maiwas kapag sasampalin na ako ni mama.
"Kukunin ko si Eloise dito, doon na siya titira sa aking condo. Sa ayaw niyo or hindi, kukunin ko siya. Pakilusin niyo 'yang paborito niyong anak. Hindi puro si Celine lang ang kumikilos, lumalaking walang kwenta." sabi ni kuya, sa titig ni mama at papa kay kuya, alam kong galit na galit sila.
"Celine, ayusin mo ang mga gamit mo. Dadalhin kita sa condo ko, okay?" sabi ni kuya sa akin at tumango ako, kahit anong galit ni kuya, ang soft spoken niya pa rin. Ang lucky ko kasi may kuya akong ganito.
Agad akong umakyat sa kwarto ko at nag kasalubungan kami ni claire sa hagdan, tumingin ako sa kaniya at umiwas din ng tingin, pumunta ako sa kwarto ko at nag impake na, gaya nang sabi ni kuya.
Nakatingin sa akin si claire habang nag aayos ako ng aking mga gamit.
"Saan ka pupunta?" tanong ni claire, habang naka cross arms siya, ang taray din nang tingin nito sa akin.
"Sa condo ni kuya. Doon na ako titira, galit si kuya kila mama at papa, dahil sinampal ako ni mama sa harap ni kuya. Bantayan mo ng maiigi sila mama at papa, hindi ka pa naman marunong mag saing at mag luto, baka masunog mo lang itong bahay" sabi ko na may konting pang aasar sa kaniya, kasi alam kong inggit din siya sa akin dahil ang tagal na niyang nagpapapansin kay kuya para magustuhan naman siya at maitrato ng tama gaya nang trato ni kuya sa akin.
Nakita kong inirapan niya ako, umakyat si kuya at nakita kaming dalawa, medyo masama ang tingin ni kuya kay claire
"Anong ginawa mo kay Celine?" tanong ni kuya kay Claire.
"Wala pa po akong ginagawa" sabi ni claire kay kuya, nag taka si kuya kung bakit 'Wala pa po akong ginagawa' ang sagot ni claire sa kaniya. Ano ’yon? may binabalak siyang gawin sa akin?
"Wala pa po?? huh? so may binabalak ka?" tanong ni kuya kay claire, biglang nang laki mata ni claire sa tanong ni kuya. She shook her head nervously at bumaba na.
Kuya approach me and tinulungan na ako. After ilang minutes, tapos na at aalis na kami
"Let's go, baby" sabi ni kuya at tumango ako, bumaba na kami at nakita kong nakatitig sa amin sila mama at papa. Tila bang galit na galit sa amin.
"Mag si layas na kayo! walang kwenta!" sigaw ni mama sa amin, at tumawa si kuya
"Mas walang kwenta ’yang claire na ’yan." sabi ni kuya at tuluyan na kaming umalis, nag commute lang kami dahil wala pa namang kotse si kuya.
__________________________________________________
Maya-maya nakarating na kami sa condo ni kuya, infairness, ang lawak ng condo ni kuya. Ang ganda pa, tapos maayos din.
"Are you okay? may sugat ka sa cheek mo oh, come here kay kuya, gamutin natin ’yan, okay?" he said while smiling. Tumango ako at nilagyan ng bandaid ni kuya ang akin sugat sa pisngi ko.