3

1 0 0
                                    

2 weeks na akong nakatira dito sa condo ni kuya. Ang saya, walang nang-gugulo.

8 am ngayon, at kumakain kami ni kuya ng sabay. Wala akong pasok since sabado ngayon, and siya rin, wala rin siyang pasok sa kaniyamg trabaho since pahinga niya ngayon. Ang saya namin ni kuya na nagtatawanan ng may biglang kumatok sa pinto, galit na galit kumatok.

Nung tinignan ni kuya, si mama.

Anong ginagawa rito ni mama?

Paano niya nalaman ang condo ni kuya?

Manggugulo na naman ba siya?

Binuksan ni kuya ang pinto, bumungad ang masamang itsura ni mama sa amin. Anong problema nito?

Nasa likod ako ni kuya, pagka-pasok na pagka-pasok ni mama, bigla niyang hinatak ang kamay ko at biglaan din akong sinampal.

"Ano itong nabalitaan ko kay claire na may boyfriend ka daw at naghalikan kayo sa banyo ng school niyo?!" sigaw ni mama sa akin. Ano ang ibig-sabihin niya?

Wala akong boyfriend at wala akong naka-halikan.

"Ma, ano po ang ibig ninyong sabihin? wala nga po akong kaibigan na lalaki. I mean, opo meron. Pero both silang bading. At never po akong nakipag-halikan." paliwanag ko kay mama, at hinatak ni kuya ang kamay ko, kaya napapunta naman ako sa kaniya.

"Ano naman kung mag boyfriend si Celine? Ma, senior highschool na si Celine. Nasa tamang edad na siya. 19 na siya at graduating na" sabi ni kuya kay mama, napatingin ako kay kuya at bumalik ang tingin ko kay mama

"Wala ka namang pake kay Celine, ’di ba?" nakatingin si kuya kay mama habang nagsasalita, tila para bang galit ito kay mama

"Ma, kay claire at sa akin ka lang naman may pake. Halata ko, ma. Bakit ba kailangan ni Celine mag suffer sa gantong paraan? ano ba ang ginawa niya?" tanong ulit ni kuya kay mama

"Galit ako s-sa kaniya... Dahil..-" nauutal na sabi ni mama, habang siya’y umiiwas nang tingin sa amin.

"Fine, naiinis ako sa kaniya dahil-" natigil ang pag sasalita ni mama nang biglang may tumawag sa kaniya at lumabas siya ng condo ni kuya. Tinarayan muna ako bago lumabas.

Tumingin sa akin si kuya, "Okay ka lang? masakit ba
ang sampal sa iyo?" tanong ni kuya at tumango ako. "Opo, kuya. Bakit po ba siya ganito sa akin?" napatingin siya sa akin, alam kong both kami hindi alam ang rason kung bakit ganito ang pag trato sa akin nila mama.

Niyakap niya ako at hinimas ang ulo ko.

"Hayaan mo, magsisisi rin sila sa huli." sabi sa’kin ni kuya at napatango na lang ako.

Nalulungkot ako, dahil sarili kong mama na nagluwal sa akin,  ay ayaw at hindi ako gusto. Gano’n din ang kay papa.

Sumasakit ang puso ko tuwing iniisip ko kung gaano nila ako tratuhin na para bang hindi nila ako anak at kadugo.

Kailangan ba nila akong saktan?

Inaayawan nila ako nang hindi ko alam, ano ba ang ginawa ko?

Sa pag kakatanda ko, wala naman akong ginawang masama para tratuhin nila ako nang masama.

Deserve ko ba ito?

___________________________________________________

Nasa park kami ngayon ni kuya, kumakain ng cotton candy, mas mabuti rin na lumabas kami, kesa naman sa mababad mga mata namin sa mga phone, at baka masira lang mata namin. Kaya naisipan na lang namin na gumala, mas masaya pa

Nagpunta rin kami ni kuya sa rides, at mall. Sobrang saya ko, parang ngayon lang ako naging gan’to kasaya.

Kasi puro hinanakit ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko makuhang ngumiti.

Buti na lang nandito palagi si kuya sa tabi ko. I love him so much, sana hindi siya mag bago, iiyak talaga ako kapag pati si kuya iba na rin ang trato sa akin.

Siya na nga lang kakampi ko sa lahat tapos magbabago pa? hays, sana hindi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 03 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Middle child Where stories live. Discover now