2nd

51 1 0
                                    


CHAPTER 2

Halos dalawang oras lamang ang naging biyahe nila at ngayon ay malapit na sila sa YU at natatanaw na ni Shaina ang mga buildings ng university, tanaw din niya ang iba't ibang facilities at meron pang parang plaza in the middle of the island. It looks like it is a city in the middle of the Pacific Ocean.

"Wow! Grabe, university ba talaga iyan?" Bulaslas niya habang nakadungaw sa bintana ng eroplano kahit wala siyang kausap, yun kasing kasama niya ay nagkukulong pa rin sa cabin. "Kahit yata isang linggo ko pa subukang libutin iyan ay hindi man lang ako mangangalahati."

"Iyon ay kung maglalakad ka lang, may mga public use vehicles naman sa isla kaya hindi ka magkakaproblema sa paglilibot." Nilingon niya ang nagsalita. Sa wakas ay lumabas na ito sa cabin at tila walang nangyari, he's back to his smiling self. "I can accompany you if you like."

Isang buntung-hininga ang pinakawalan niya. "You know, kahit iilang oras pa lang tayong nagkakakilala, I can tell that you're just pretending to be fine by smiling but the truth is you're really sad. So, stop pretending when you're with me."

Lumapit ito sa kinakaupuan niya at pinisil nito ang isa niyang pisngi. "Actually, if the one who said that is someone else, they could have hit the right spot but since you're the one who said that it is the other way around because I will never pretend in front of you. Even if I lost her 7 years ago, she is actually starting to comeback to my side little by little and someday she'll remember why she's only mine."

Nahiwagaan siya sa sinabi nito, ano kaya ang ibig niyang sabihin na unti-unti nang bumabalik ang babaeng pinakamamahal nito? If he already lost her then how would that girl return?

Hanggang sa lumapag na ang eroplano ay pareho silang walang imik, hindi kasi niya alam kung ano ang pwede niyang sabihin dito baka mamaya ay may masabi o maitanong siya na makaka-offend dito. Isang kotse ang sumundo sa kanila sa paliparan ng isla para dalhin sila sa mismong university, though three-fourths ng isla ay sinasakop ng mga establishments at facilities ng YU ay naconserve pa rin ang mga natural resources ng isla dahil halos one-fourth ng isla ay kagubatan.

Automatic na nagbukas ang malaking gate ng YU nang mapatapat sila sa gate, kaagad namang pumasok doon ang kotse kanilang kinalululanan. Pagkapasok na pagkapasok nila ay biglang nag-iba ang pakiramdam niya, tila hindi ito ang unang beses na nakapasok siya sa YU. Habang nakatingin siya sa malaking building ilang daang metro pa ang layo ay tila may gustong pumasok na imahe sa isip niya, hindi lang talaga niya matandaan at tila may pumipigil sa utak niya.

"Alam mo nagtataka lang ako. Bakit imbes na sa University plane ako sumakay papunta dito ay sa private plane pa ng pamilya ninyo? And why do you know my parents like you've known them for so long but I don't know you?" Usisa niya.

Ngumiti ito sa kanya. "Because you're special."

Grabe. As if naman nasagot niyon ang tanong niya, pa-mysterious pa ang peg nito. Hindi pa nga siya nakaka-recover sa mga nalaman niya tungkol sa sarili niya at sa mga magulang ay may dagdag pang mystery.

"Special? In what way?" Isang ngiti lang ang isinagot nito sa kanya. "Hey, don't just smile like that. I demand an answer."

Tumawa ito. "It's something that you have to find out on your own, coming from my mouth and others doesn't necessarily mean that we're telling you the whole truth. It would only be you that must look for answers."

She sighed. "But how would I find the answers when I can't asked anyone just because there's a possibility that they would just lie."

"I don't mean that you can't ask others but don't believe everything they would say especially if you feel something odd about what you heard." He said in a patient tone. "But if there's one truth that you have to know and you must believe, no matter what happened, I would never lie to you."

Yngrid UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon