CHAPTER 2

1 0 0
                                    

"Anak, kamusta naman ang first day?" tanong ni Mama.

Nakauwi nako sa bahay and sakto lang din kasi mag ha-hapunan na kami.

"Okay naman Ma"

"Para namang dika okay anak" biglang sabi ni Papa.

Tumingin ako kay Papa at ngumiti.

"Yung tono mo parang di ka naman okay anak, may nangyari ba sa school?" saad ni Mama.

"Uh, wala naman po Ma. Okay po talaga ako" pang kukumbinsi ko sa kanila.

Iniisip ko parin ang mga sinabi ni Paul kanina. Actually, araw-araw ko namang iniisip yon. Four years nakong may gusto sa taong ni minsan hindi manlang ako makita o napansin, ang delusional ko sa part na binibigyan ko ng mga meaning yung nga actions niya kahit wala naman talagang ibig-sabihin yon. Sa loob ng apat na taon, I don't know if crush paba ang definition ng nararamdaman ko sa kanya. But the thing is, does he even care?



Pagkatapos namin mag hapunan dumiretso na rin ako sa kwarto, aayusin ko pa mga gamit ko para bukas. Habang nag aayos ng gamit biglang tumunog phone ko.

"Uy konti lang sub namim bukas"

"Kami rin, mga apat lang"

"Rina, Abby reply naman kayo. Ang kj ah" si Paul.

"Anim sub namin tomorrow eh" reply ko.

"Oks lang yan, basta pagkatapos ng klase nyo gala tayo. Ano g?"

"Game ako" reply ni Jenny.

"Omg! g na g!"

"Ano ba Rina, pag ikaw umepal kukulitin na naman kita bukas"

Kahit naman umepal ako lagi naman niya akong kinukulit.

"Sige g ako bukas" reply ko.







"Ma, Pa. Good morning po" bati ko sa kanila.

"Good morning anak, ang aga mo ata nagising ngayon" saad ni Mama matapos niya akong halikan sa pisngi.

"Ah opo Ma, pupunta po pala sila Abby dito"

"Oh siya sige ng mahatid ko kayo" saad ni Papa.

"Pa, hindi na po. Mag co-commute po kami"

Tumango naman agad si Papa. Kampante lagi si Papa pag mga kaibigan ko kasama ko.


"Good morning Mr. and Mrs. Suarez!"

Nagulat ako kung saan galing yung boses na yon.

"Oh Abby nandito na pala kayo"

"Good morning Tito, Tita" bati nilang tatlo kay Mama at Papa.

"Oh siya maupo na kayo, saluhan niyo na kami mag almusal. Alam ko di pa kayo kumain, lalo kana Paul". saad ni Mama. Tumayo siya at pumunta na ng kusina para ikuha sila ng plato.

Bumungisgis naman si Paul "syempre naman tita, sarap niyo kasi mag luto eh".

Umupo siya sa tabi ko.

"Pano kayo nakapasok dito" tanong ko ng makaupo na sila.

Saktong dumating si Mama dala ang mga plato nila.

"Ano kaba bestie, para namang bago sayo to. Syempre di naman naka lock gate nyo so pumasok na kami agad" saad ni Abby habang sumasandok ng kanin.

Oo nga pala. Bakit pa ba ko nagtanong eh, lagi nga pala silang pumapasok nalang sa bahay namin. Feel at home.


Daldal ng daldal si Abby at kinakausap sila
Mama. Si Jenny naman saktong kumakain lang. Si Paul? parang di kumain ng tatlong araw, ang takaw takaw.

Behind That SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon