Nahanap na din namin yung seats na ini-reserve ni Paul para saamin. Inferness ah, nasa malapit kami and maganda view namin.
Nag w-warm up pa rin sila kaya siguro hanggang ngayon di niya pa kami makita. Busy si Mr. Volleyball player namin.
"Galing talaga pumili ng upuan tong si Paul, ang lapit tyaka kitang-kita natin sila" natutuwang saad ni Jenny.
Habang nakatingin sa court, nahagip ng mata ko si Paul na nakanguso.
Ano na naman problema niya
Dismayado niya ako tinignan at lumapit na saamin.
"Oh tapos na warm-up nyo?"
Di niya pinansin ang tanong ni Abby, diretso lang siyang nakatingin saakin.
"Umiiral na naman ba pagka slow mo?"
Slow? Ako?
"Ano ba kasi yun? Malay ko ba, nguso ka lang ng nguso" naiirita kong sagot sa kanya.
"Tinuturo ko kasi crush mong hilaw, ayun oh maglalaro" walang gana niyang sabi saakin.
Hinanap ng mata ko si Ely. Omg, ang gwapo talaga.
"Sis, wala ka sa ulap"
Agad ko namang tinignan si Abby.
Sh!t, natulala na naman ako.
Nakangisi sila ni Jenny habang si Paul naman dimo alam kung bad mood o gutom.
"Panigurado na si Ely na naman i ch-cheer mo" saad ni Paul. Tunog nagtatampo.
Tinignan ko siyang maigi. Ano ba tong lalakeng to, ang sensitive pag andyan si Ely.
"Subukan mong mag drama, sasapakin talaga kita dito"
Aba, tinarayan pa ako.
"Oh, tama na yan" agarang awat saamin ni Jenny.
Masama na kasi titigan namin ni Paul.
"Ano kaba Paul, kahit naman andyan si Ely I ch-cheer ka pa rin ni Rina" saad ni Jenny at makahulugan akong tinitigan.
Tumango naman ako.
"Oh diba, kaya goodluck Paul Ramirez! Cheer up na. Si Rina may pinaka malakas na sigaw mamaya" masayang saad ni Jenny.
"Weh, di nga"
"Oo nga baliw, sa sobrang lakas ma mumura kita" agad kong sabi. Kinurot ako ni Jenny dahil sa sagot ko. sakit ah
"Syempre ma mumura kita kasi ang galing mo mag laro, fighting Mr. Ramirez!" ngayon mas sincere kong sabi. Nakangiti ako sa kanya habang nakataas ang dalawa kong kamay.
Napansin ko namang nag iba expression niya, lumapit siya saakin. Sa ganoong posisyon hinawakan niya ang ulo ko at ginulo ang buhok ko.
"Gagalingan ko po" saad niya at ngumiti rin saakin.
Ang moody talaga, kanina bad mood ngayon naman ang good mood.
Nanatili ang kamay niya ulo ko, natanggal lang iyo ng magsalita si Abby. "Paul, tawag na ata kayo. Goodluck!"
Nagpaalam na rin siya saamin at bumalik na sa mga ka teammates niya.
"Oh, di naman mainit ah. Bat namumula ka?" tanong ni Abby.
Huh? Ako namumula?
"Wag mo sabihin nag blush ka kay Paul?"
Hinarap ko siya at gulat na tinignan. Bakas sa itsura nila ni Jenny ang panunukso.
"Ewan ko sayo ah, ano ba. Namula ako sa galit di ako kinilig noh, yuck"
Bumungisgis silang dalawa. Ano ba yan na aasar ako.
"Okay sabi mo eh"
Hindi naman ako kinilig diba? Basta, hindi.
Hinanap ko nalang si Ely at itinuon sa kanya ang atensyon ko, I need a distraction. Hay naku, malapit oh malayo man kilalang-kilala ko talaga siya.
Maganda ang start ng game, cheer kami ng cheer sa kanila. Di man lang pinapansin ni Ely sigaw ko, hys my efforts nasasayang di ba naman ako ma notice. Lamang ang school namin sa first set, kaso parang humahabol ng score yung kalaban.
"Hala, nakakahabol na sila"
"Ano ba, cheer lang. Kaya nila Paul yan"
"Paul ano ba! Ayusin mo set mo, pag dimo inayos sasapakin kita!" sigaw ko.
Tumingin ako sa paligid ko at lahat ng mga taong malapit saamin nakatingin saakin. Masyado ata malakas sigaw ko
"Oh, bakit?" nagtataka kong tanong.
"Kung kami lang sanay na kami sa mga words na ginagamit mo, pero yung ibang tao ewan ko lang" umiiling na sabi ni Jenny.
Umirap ako sa hangin at tinapunan ng tingin yung mga nasa likuran namin. Pake ko ba sa kanila. Nang ibaling ko ulit ang tingin sa court nakatingin si Paul saakin habang tumatawa. Ano bang nakakatawa?
Seryoso ko siyang tinignan. Akala ba niya nag bibiro ako?. Nag focus naman na siya sa paglalaro ng makitang seryoso ako.
Na motivate ata si gago, umayos na ulit laro nila.
"Uy sis, si Ely oh. Nakatingin sayo" biglang bulong ni Abby.
"Ha?"
Nang makita ko si Ely, nakatingin nga siya. Wait, nakatingin siya? saakin? pero bat may mali.
"Yung tingin niya saakin..."
"Ang sama" saad ni Jenny at nag titigan kaming dalawa
"Minsan na nga lang tumingin sayo, ang sama pa"
"Ang nega naman, baka naman pressured lang sa laro kaya ganyan makatingin" sabat ni Abby.
"Sa laro pala eh"
"Rina, look at the bright side. Tumingin siya sayo, di nga lang ganon ka ganda pero at least tumingin diba"
Sabagay, tumingin lang naman siya saakin pag tinatawag ko kailangan niya akong kausapin. Ito ang unang beses na tinitigan niya ako. Kahit masamang tingin pa yan, basta galing sa kanya.
Lamang na naman score ng school namin, sobrang laki na ng tyansa manalo.
"Wahhhh! Paul ang galing galing mo!"
"Omg, best setter namin yan!"
"Paul, I set mo naman ako!"
"Ano papatalo ba tayo sa sigaw nila?" bulong ni Abby. Mukhang na iirita sa mga nag ch-cheer din kay Paul.
"Nag ch-cheer sila for support sa school natin"
"Ely! Ely! Ely!"
"Ely, my love so sweet!"
"Sana bola nalang ako para ma spike ni Ely babes!"
Nanlaki ang nga mata ko ng marinig ang mga iyon, binalingan ko agad ng tingin ang mga junior high na nagsabi non.
Ely my love so sweet? Ang kapal ah.
"Teh kalma lang" saad ni Jenny sabay hawak sa braso ko na para bang may balak akong manugod.
"Nag ch-cheer sila for support sa school natin" panggagaya ni Abby saakin. Nakangisi pa, inaasar ako.
Self kalma lang. Galing sa mga juniors namin ang mga cheer na yon, understable naman. They admire there seniors, and it's a good thing.
BINABASA MO ANG
Behind That Smile
RomanceHindi lahat ng gusto natin gusto rin tayo. It's a matter of we'll make that person fall for us or just give up and let them be.