Matapos ang four sets na saamin pa rin ang huling halakhak, nanalo ang school namin. At as usual si Ely ang MVP.
"Ang saya-saya mo siguro noh" saad ni Paul. Kasalukuyan namin siyang sinaluhan sa bench ng matapos ang laro nila.
"Crush mo na naman MVP this year" umirap siya sa ere habang umiinom ng tubig.
Ano na naman ba problema neto, nanalo naman sila eh. Tyaka last last year nag MVP din naman siya. Konti nalang talaga mapag kakamalan ko na tong babae eh, mas sensitive pa saakin.
"Of course, ang galing galing kaya ni Ely kanina. Lahat ng mga attacks niya in, pati blocks niya" pagyayabang ko. Tinitigan naman ako nila Jenny na parang hindi dapat iyon ang sabihin ko.
Nakakunot na ang noo ni Paul matapos kong sabihin iyon. Mag b-beast mode na to. "Pero syempre hindi naman niya magagawa yon kung wala ka, ang galing galing kaya ng mga set mo" pag puri ko sa kanya.
Ngumiwi siya at sinabing "Daming eme, tara libre mo nako" tumayo siya. "Uhm, gusto ko mag jabillee"
Ha? Ano daw?
"Ulol, baka jollibee"
"Ay oo, tara na" saad niya at tumawa.
Nagliligpit na siya ng gamit ng sabihin kong "At bat naman kita I lilibre"
"Panalo kami eh, dapat may reward ako. Si Jenny nga ni libre mo kanina eh" nakapamaywang niyang sabi. "Ngayon kapa nag kuripot" nakanguso na.
"Heh, oo na. Pero pwede ba maligo ka naman, ang lagkit mo." nandidiri kong sabi.
"Arte naman" yun ang huli niyang sinabi at pumunta na sa cr para mag bihis.
"Oh, humina at pag kain mo"
Ni libre ko siya, at kumakain na kami ngayon. Ang saya saya niya ng nakarating kami dito hanggang sa pag order ng pagkain, tas ngayon bigla nalang nanghina si gago.
"Naalala ko lang kasi, examinations na next next week" walang gana niyang sabi.
"Oo, kasi sa monday long quiz tyaka mag review na tayo para sa exam"
"Kung sabihin mo yan parang dika na momroblema ah"
"Alam mo naman si Rina, she may not be athletic pero she is best in her field, sa academics" sabat ni Jenny.
Di naman ako ganon ka talino, just always trying my best.
"And for sure, mauulanan na naman ako ng blessings ni Rina sa exam" masayang sabi ni Abby, inaasar si Paul.
"Yabang mo"
"Inggit ka lang"
"Yabang talaga oh"
"Nyenye"
Natatawa nalang kami ni Jenny sa asaran nilang dalawa.
"Actually pwede ko pa rin namang kayong tulungan eh, since nag iiba lang naman subjects natin due to specializations. But the rest same din naman" sabi ko sa gitna ng pag babangayan nila.
"So mag lend ka pa rin ng helping hand?" tanong ni Jenny.
Tumango ako. "Wah! Sabi na eh, di mo ako matitiis" saad ni Paul, tumayo pa at akmang yayakapin ako.
"As I was saying..." umiwas ako sa yakap niya. "Tutulungan ko kayo mag review, para mas madali niyo lang maalala lahat sa exam. Pero sa specialized subjects nyo kayo na bahala"
"Okay na okay, Basta tutulungan mo ko mag review okay nako" sagot niya at bumalik na sa upuan niya para kumain ulit.
Basta kaya ko lang, tinutulungan ko sila when it comes to academics. Lalo na si Paul, masyado kasing pre-occupied sa sports kaya kailangan ng support system pag dating sa school works.
BINABASA MO ANG
Behind That Smile
RomanceHindi lahat ng gusto natin gusto rin tayo. It's a matter of we'll make that person fall for us or just give up and let them be.