CHAPTER 3

0 0 0
                                    

It's been a week since that interaction with Ely happened. Isang linggo rin akong siningil ni Paul dahil sa pandadamay ko sa kanya, ayaw na ayaw kasi nun na nadadamay siya into any activities na involve si Ely. Ewan ko ba dun. Well yun nga isang linggo ko siyang nilibre sa cafeteria at after school errands naming magkakaibigan.

"Smile naman diyan" sabi ni Paul. Nakangisi ang gago, nang- aasar na naman.

Isang buong linggo akong nakaltasan ng pera sa dami ng request niya tas sasabihin niya saakin, smile?

Matalim ko siyang tinignan. Nasa mall kami ngayon nag-aya na naman siya lumabas, kaming dalawa lang ngayon kasi busy si Abby at Jenny.

"Grabe ka talaga, namulubi ako ng slight sayo" saad ko at inirapan siya.

"Actually nung una di talaga ako natuwa na ginawa mo yun, alam mo bang pag balik ko sa room diko alam gagawin ko. Buti nalang may dala akong ballpen, bale yun yong kunwari binigay mo saakin. Yung crush mo pa nakatingin saakin" pag ku-kuwento niya. "Pero parang ngayon... lagi mo nalang kaya ako idamay dyan sa crush mong hilaw, nalilibre ako eh HAHAHAHAHA" malakas siyang tumawa.

Aba natuwa pa. "Ano ka sinuswerte?"

"Swerte? sobra pa noh! swerteng swerte" sabi niya with gestures na nakaka-asar.

"Wag mo akong simulan Paul, order kana ng pagkain at baka iwanan pa kita dito. You want?" tinaasan ko siya ng kilay.

Nawala ang ngisi sa mukha niya at itinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko na "Sabi ko nga o-order na eh, eto na oh." Saad niya at tumayo.

Kailangan pa kasi tarayan eh.

Inilapag niya ang tray at ibinagay na saakin ang pagkain ko.

"Smile kana, ayan oh favorite mo yan diba?"

Chicken sandwich, fries tyaka ice cream ang binili niya para saakin.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at tinitigan ako ng maigi.

"Smile na dali, wag na pa bebe alam ko favorite mo yan. Subukan mo I deny ako kakain niyan, sige ka" nakangiti niyang pang-aasar saakin.

Napangiti ako dahil don. Kahit kailan talaga baliw tong si Paul.

"Ayan nakangiti na, ang cute cute" Saad niya at kinurot ng napaka lakas ang pisngi ko.

"Aray!" sigaw ko.

Tumawa lang siya habang hinihimas ko ang pisngi ko. Ang sakit sakit talaga. Irap nalang ang binigay ko sa kanya, masyado na masakit pisngi ko para patulan pa siya.

Tawa pa rin ng tawa habang kumakain. Oh diba ang saya saya pag miserable ako.


"Teka nga ano ba yan, sandwich tyaka fries pagkain mo diba?" bigla niyang tanong.

Tumango lang ako bilang tugon sa kanya at kumagat uli dun sa sandwich.

Umarko ang kilay niya at tinitigan na naman ako. "Eh bat parang dalawang siopao ata kinakain mo" hinampas ko na si gago, nakakainis na talaga kanina pa siya. "Aray naman, makahampas ka ang bigat kaya ng kamay mo" angal niya at humawak sa braso kung saan ko siya hinampas.

"Nakakainis kana eh"

"Totoo naman eh ang laki laki ng pisngi mo, ganito oh" pinalobo niya ang pisngi niya.

Pilot ko siyang inabot para hampasin ulit pero naka ilag na siya.

"Hoy tama na, masakit na" saad niya ng iwasan ang hampas ko.

Behind That SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon