part o4

5 1 0
                                    

"Humangos at nagpupuyos sa galit nang pumasok si Diane sa studio ni Winston.napatingin si Winston at Erick sa babaeng padabog pumasok at halos sirain ang pinto"

-what is the meaning of this ha Winston ipaliwanag mo sakin?!bakit itinuloy mo paring imbitahan ang babaemg yun sa concert mo?at bakit inalok mo pa sakanya ang kantang isinulat mo?gayong alam mo at sinabi kong ayokong makikipagtrabaho ka sakanya!(galit na tanong ni Diane)

"sinenyasan ni Winston si Erick na lumabas na muna ito.kaya naman agad itong lumakad palabas ng studio.pagkalabas ni Erick ay saka hinarap ni Winston ang nagwawalang si diane"

-puwede ba Diane!alam mo ang pinaka ayaw ko sa lahat ay ang pinapahiya ako! At ayaw na ayaw ko rin ang kuwestiyunin mo ang lahat ng pasya ko at higit sa lahat ayoko ang inuutusan ako!(galit na turan ni Winston)

-pero Winston alam mong hindi ko gusto ang babaeng iyon masyado siyang pabebe sa mga tao at isapa alam kong kaya mo lang siya gustong kunin ay dahil may interes ka sakanya!

-nababaliw kana! Ang agency ang may gustong isama si Sofie sa Concert ko dahil popular siya ngayon sa mga tao,at isapa ano naman kung magka interes ako kay sofie hindi naman kita asawa! (sarkastikong saad ng binata)

-pero ako ang nobya mo at may karapatan akong tanggihan ang mga taong ayaw kong makasama mo o makatrabaho mo!(ani ni diane)

"napatawa si Winston ng malakas"

-nobya?kahit kailan hindi kita itinuring na nobya!dahil alam mo mula't sapol iisang babae lang ang minahal ko at walang sinuman ang kayang pumalit sakanya dito sa puso ko!(naluluhang sambit ni winston,habang naalala ang dating asawa)

-pero niloko ka niya!hindi bat sumama siya sa kapatid ko! Kaya sila naaksidente.pero mahal mo parin siya!?kalimutan muna si bernice matagal na siyang patay!ako nandito ako diba minahal mo din naman ako!diba?

"hindi sumagot si Winston bagkus ay iniwan niya si Diane sa loob ng studio na nanatiling nakatayo at nagpipigil ng luha"

-hanggang ngayon Bernice ayaw mo parin pakawalan si Winston!bakit ba hanggang ngayon hadlang kaparin samin!!!aahhhh!!!(nagsisigaw si Diane at hinawi lahat ng mga papel na nasa ibabaw ng mesa ng studio)

-patay kana Bernice at magiging akin si Winston hindi ako papayag na maging kaagaw parin kita o kahit na sino pang babae akin lang si Winston! Akin lang!!!!(natatawang wika ni Diane)

"Broken Marriage VowWhere stories live. Discover now