"Next Morning"
-GoodMorning...(walang ganang bati ni Sofie sa magkapatid na nakaupo sa mesa at kumakain ng agahan)
-morning sofie! (bating pabalik ni Rina)
-magbreakfast kana!(utos ni mikael habang nagtitimpla ng chocolate)
"matapos magtimpla ni mikael ay agad niyang inilagay yun sa harap ni sofie napatingin ang dalaga kay mikael at napangiti dahil sa pag aasikaso sakanya nito ininguso naman ni mikael ang baso ng chocolate"
-inumin mo na iyan bago pa lumamig!(ani ni mikael sa dalaga)
-thank you miks!(nakangiting wika nito)
-teka mikael asan ang sakin?(tanong ni Rina)
-Kaya mo naman na magtimpla!(ani ni mikael habang nakangiti)
-ikaw ha si sofie ipinagtitimpla mo tapos ako na ate mo hindi mo manlang ako maipagtimpla ng kape!(kunwari'y nagtatampo)
"napatawa nalang si Sofie sa pagmamaktol umano ni Rina,para kasing mas bata pa ito kay mikael samantalang siya itong panganay,"
-nga pala Sofie anong oras ka nakauwi?(biglang tanong ni Mikael)
"napahinto si sofie sa paghigop ng chocolate at naalala ang nangyari sa naturang bar kagabi"
-uy sofie!(pagtawag ni Mikael sa dalaga dahil sa natulala ito )
-ha! Ano dikuna napansin yung oras eh! Kasi pagdating ko dumiretso agad ako sa kuwarto ko at nakatulog!(pagdadahilan niya)
-Bakit dimo ako tinawagan diba sabi ko sayo na tawagan mo ako pag uuwi kana para masundo kita!
-ahhh sorry kasi ano! Nalobat yung phone ko!(pagsisinungaling ni sofie)
-hay naku tama na nga yan mikael nakauwi naman si sofie ng maayos kagabi tsaka wagka ngang oa diyan para kanamang asawa kung magtanong!(saway ni Rina sa kapatid)
-okay lang ate Rina nagwoworry lang naman si mikael sa akin!(nakangiting sambit ni sofie)
-ate Rina wala kabang lakad ngayon?(pag iiba ni mikael sa usapan)
"biglang tumayo si Rina nang maalalang ngayon ang signing ng contract para sa concert events ni Winston"
-bilisan muna diyan sofie at mag ayos kana ngayon ang meeting natin with Winston Min!(ani ni Rina)
-ha ngayon ba iyon?(gulat na tanong ni sofie)
"napatingin si Mikael kay sofie napansin iyon ng dalaga nginitian ni Sofie ang binata dahil kahit tutol man ang binata na makatrabaho nito si Winston ay wala naman siyang magagawa dahil trabaho iyon at higit sa lahat wala siyang karapatan para pigilan ang dalaga sa desisyon nito,ang tanging magagawa lang niya ay ang suportahan ang dalaga sa lahat ng nais nitong gawin"
-sige na ate ihahatid ko nalang si Sofie wala naman akong pasok ngayon!(ani ni Mikael sa kapatid)
-oh sige mamaya pa naman iyon mga 3pm pero may dadaanan pa kasi ako bago tumuloy dun,hoy sofie wagka malelate okay(paalala ni Rina sa dalaga)
"tatango-tango naman si Sofie sa tinuran ni Rina.tapos ay bumalik sa pagkain.nakamasid naman si Mikael habang tuloy tuloy sa pagsubo ang dalaga na nasa harap niya"
-Sofie!(tawag niya)
-hmmm....(sagot niya ng di tumitingin sa binata,nagulat nalang siya ng punasan ni mikael ang itaas na bahagi ng labi niya ng hinlalaki nito atsaka nilasahan ng binata ang sariling daliri napamaang si Sofie sa ginawang iyon ng kaibigan)
-tapusin muna iyan nang makapagpahinga kapa!(ani ni mikael ng makitang natulala na naman ang dalaga.at saka siya tumayo at nagtungo sa lababo)