"Paglabas ni sofie mula sa banyo nakarinig siya ng malakas na ingay nagmula iyon sa katapat na cr ng female room sa mens room,ipinagsawalang bahala niya iyon at nagsimulang humakbang may marinig ulit siya kaya naman,kinatok niya ang mens room"
-teka may tao ba diyan?kailangan niyo ba ng tulong?(malakas na tanong ni sofie habang tuloy sa pagkatok)
"kumakatok siya ngunit wala namang sumasagot aalis nalang sana siya ulit at kakausapin ang isa sa staff ng lugar upang sila na ang magcheck ng cr ng lalaki nang sa ikatlong pagkakataon ay nakarinig na naman siya ng malakas na tunog kaya naman dina siya nag atubili at binuksan na niya ang pinto"
-tumambad sakanya ang mga basag na salamin at ang isang lalaki na may dugo sa kamay,napatakbo siya sa lalaki at agad na chineck ang kamay nito,"
-teka Mister okay ka lang ba?(alalang tanong ni sofie)
"agad na dumukot ng panyo si sofie at itinali iyon sa kamay ng lalaki,nakayuko ito at tinitignan ang ginagawa ni sofie,kakaiba ang paraan nito ng pagtali ng panyo,,ganoong ganoon ang istilo ng pagtatali ni bernice,"
-Be..bernice?(bigla nalang nasambit ng lalaki ang pangalang iyon at saka tinignan ang taong naglalagay ng panyo sa kamay niya)
"natigilan si sofie nang magsalita ang lalaki at banggitin ang isang pangalan,pangalan na matagal na niyang kinalimutan"
-bernice!ikaw bernice bumalik ka!(umiiyak na saad ni Winston)
"daglian niyakap ni Winston ang babaeng kaharap niya.dahil sa mukha ng kanyang dating asawa ang nakikita niya,napastunned naman si sofie at di makapagreact dahil sa pagkabigla nito,ngunit ng makabawi ay pilit na kumawala sa taong yumayakap sakanya at saka niya ito tinignan nakita niya ang mukha ng lalaking yaon si Winston Min siya nga"
"nagmadaling tumayo si sofie at akmang lalabas ng banyong iyon pero mabilis siyang nahatak ng lalaki niyakap siya nito nagpipiglas siya ngunit sadyang malakas ang lalaki,lalo siyang nagpanicked ng halikan siya ni Winston,pinipilit niyang kumalas sa mahigpit na pagkakayakap sakanya ni Winston at mapangahas na paghalik sakanya ng lalaki,hanggang sa tila napagod ng kanyang kAtawan at unti-unting nararamdaman niyang sumasabay na ang kanyang mga labi sa halik na iyon ng lalaki,"
"natatangay na ang kaisipan at katawan ni sofie sa idinudulot ng mga halik sakanya ni Winston,tila natauhan si sofie nang may biglang pumasok sa banyo kaya napatigil sila at nakayuko siyang tumakbo palabas ng banyong iyon,naiwan naman si Winston na tila prinoproseso pa ang mga nangyari,"
-shit!shit!shit!
(tanging sinasambit ni sofie habang patakbong lumalabas ng bar at patungo sa parking nang naturang establishimento.)
-haist ano bang ginagawa mo sofie!tanga tanga ka talaga bakit ka pumayag na mahalikan ng gagong iyon!(away niya sa sarili)
"nasa ganoong pag iisip si sofie habang naghihintay ng taxi na masasakyan pauwi dahil dina siya pinayagan ni Mikael magdala ng kotse dahil sa alam ng binata na iinom ito,inip na nag aantay si Sofie dahil baka sundan pa siya ni Winston dahil sa nangyari."
"habang nag aabang ay biglang tumunog ang telepono niya at tingnan niya kung sino ang tumatawag nakita niyang si Rian iyon,pinakalma niya ang sarili bago niya pinindot ang answer button"
-he..hello Rian,ah pauwi na ako dina ako makabalik diyan medyo sumama na kasi pakiramdam ko!sorry ha kung dina ako nakapagpaalam(saad niya bago ibinaba ang tawag)