"Inihinto ni Mikael ang sasakyan sa harap ng Building Empire.Entertainment ang building kung saan ang agency na humhawak sa mga sikat na artist na katulad ni Winston Min"
"nakaramdam ng kaba si Sofie nang makita ang naturang building,,di iyon MAitago ng dalaga dahil sa pagkagat nito sa daliri nito na agad namang umagaw ng atensiyon ni mikael."
-Wagkang kabahan!( ani ng binata dito)
Diba ito ang gusto mo?dapat lang na harapin mo ang anumang kinatatakutan mo!(sinserong wika ni mikael saka kinuha ang kamay ni sofie at hinaplos iyon) basta sofie narito lang ako kung ayaw munang ituloy ang lahat at kalimutan nalang ang mapait na iyong nakaraan!"tahimik lang na nakatingin si sofie kay mikael habang nagsasalita ito,bumuntong hininga tapos ay nginitian si mikael"
-miks...alam mo kung gaano ko katagal na hinintay ito! Ikaw lang ang nakakaalam ng lahat ng tungkol sa akin dahil sayo lang ako nagtitiwala,,alam kong nag aalala ka para sa kalalabasan ng lahat ng gusto ko pero hindi ako magiging masaya kung ibabaon ko nalang ang lahat sa limot!
-simula ngayon haharapin muna ang lahat-lahat kakayanin mo ba?(tanong ng binata)
-kakayanin ko! Gagawin ko ang lahat mabawi ko lang ang pagkatao kong inalis nila sa akin...!!!(desididong wika ni sofie)
-kung gayon! Tandaan mo lang lagi na nandito ako sa tabi mo handa kitang suportahan anumang oras na kailanganin mo ako!
-salamat miks! Napakalaki nang utang na loob ko sayo! Ang dami munang ginawa para sa akin...(naluluhang wika ni sofie)
-oh sha! Baka mahuli kapa!(agad na lumabas ng kotse si mikael at pinagbuksan ng pinto si sofie atsaka nagpaalam dito)
-oh paano tawagan moko pagtapos ng signing !(wika ni mikael sa dalaga)
-uumm...bye miks ingat sa pgadradrive(paalala ni sofie at kumaway sa binata na nakangiti sakanya habang pasakay na ng kotse)
"Nang makaalis ang binata ay muling bumuntong ng hininga si sofie bago nagsimulang lumakad papaasok ng naturang gusali"