CHAPTER 5

4 0 0
                                    

Nandito kami ni Lance sa coffee shop kasi may sasabihin siya na importante. "Christine, I cheated.. I'm sorry..." Tumango lang ako bilang sagot. "Di mo ba ako narinig, ang sabi ko nagcheat ako-" pinutol ko ang sasabihin niya " I heard you.." kumunot ang noo niya "Tapos ganyan lang reaksyon mo?" Natawa ako sa sinabi niya. "Nagcheat kaba para makita yung reaksyon ko?"

Ngumisi ako sa kanya. "The heck Christine! Alam mo? Pagod na pagod na akong maging girlfriend ka! Tinatanong kita kung gusto mo ba akong pakasalan, sabi mo di mo alam? Sinong matinong tao ang sasagot ng ganon?"

Huminga ako ng malalim bago siya sinagot. "Mahal kita pero hindi ko talaga alam... I can't see myself marrying you, I don't know about the future, I- I don't know-" pinutol niya pagsasalita ko "Your sick! Your insensitive! This is why no one loves you. You don't know how to live with the people around you" natulala ako sa sinabi niya, hindi ko alam kung ano mararamdaman ko.

When your life starts to feel painful, Bigla ka na lang sasabog. Umuwi ako sa bahay at pumunta sa kwarto, doon binuhos lahat ng luha ko.

Di ko na namalayan na pumasok si mama. "Tine, gusto mo usap tayo?" Lumapit siya sa sakin, hinahagod ang likod ko. Iyak lang ako ng iyak. All this time, I feel like I was disappointing them.

Birthday ni Anthony kahapon, hindi ako nakapunta kaya nakipagkita ako sa kanya. Habang pauwi na kami nagtanong siya tungkol sa buhay ko. "Kamusta kana? tagal natin di nagkita ahh di ka din pumunta kahapon anong ganap natin ngayon?" hindi ako makasagot.

Nagbabadyang tumulo ang luha ko "di ko alam kung saan ako pupunta Anthony..." nagtaka siya sa sinabi ko, "Malapit na tayo sa apartment mo anong sinasabi mong 'I don't know where you going?"

Hindi ko na mapigilan na umiyak. "Are you crying?" pinunasan ko yung luha sa mukha ko, "Everyone around me, they figured out kung ano gusto nilang trabaho sa buhay, kung ano gusto nilang itake na program, and they have this future na sobrang clear pero ako, I don't know where I am going... Hindi ko alam kung saan ako pupunta, di ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko..."

Iyak lang ako ng iyak habang si Anthony hinahagod ang likod ko. "Para akong binuhay para lang mabuhay sa mundong ito. I managed to graduate, but I don't see myself as an architect kaya di ako nagtake ng board exam at pumasok sa agency pero... Gumigising na lang ako para magkapera, niloko ako ng best friend ko, pati ex ko kasi sabi niya I don't have future plans kasama siya, eh.. ano magagawa ko, nahihirapan nga ako alangan na pakasalan ko siya e-ehh hindi ko alam kung ano ang gusto ko... Hindi na ako masaya, nahihirapan akong maging masaya... I don't enjoy my life right now"

Pinunasan ko ang mga luha ko. "Im sorry, I just wanted to let this out, you don't have to say something.. wala lang talaga akong mapagsabihan"

Naiiyak na rin siya kaya ngumiti ako "Christine... what you feel is always valid. Sabi nga sa nabasa ko na story, 'Not everyday will be okay, or best. We will always have bad days, but we'll have always tomorrow, too. We will always have tomorrow if we believe in it. Di mo kailangan patunayan sa kanila kung ano ka ngayon, kilala mo ang sarili mo matapang ka na babae, kinaya mo lahat ng masasakit na nangyari sa buhay mo, naging matatag ka and I admire you so much, andito ako, kami ni Michelle para sayo di ka namin iiwan..."

Nang makarating kami sa apartment ko tinawagan ako ni Mitch kung nakauwi na ako nang malaman niya na kasama ko si Anthony, agad siyang pumunta dito sa apartment ko, "Tine okay kana ba? "Okay na ako dito pwede na kayo umuwi" papasok na sana ako sa kwarto nang sinundan nila ako, "Gabi na Tine oh? Pwede kami makitulog sa apartment mo?" Tumango na lang ako, alam ko na matatalo lang ako kapag pinilit ko silang papauwiin.

When you finally to give up, life will give you a big realization.

Christine's Life Story Where stories live. Discover now