CHAPTER 2
IREDESSAINA's POINT OF VIEW
Natapos din ang pag aaral namin, 8:30 ang pasok nila at 3:30 naman ang tapos ng klase, may tatlong break din. Snack, Lunch, at meryenda.
"Tara, meryenda tayo! Nakakaantok yung lecture!" Paghatak sa amin ni Artemi
Bigla naman akong napatigil nang maramdaman kong nag vibrate ang phone ko sa aking bulsa.
"Wait, may tumatawag. Una na kayo, susunod na lang ako." Napatigil naman ako sa gitna nang building at sinagot ang tawag. Number lang ang nakalagay."Hello, who's this?" I asked.
"Where are you?" Sagot naman nito sa kabilang linya. Parang narinig ko na somewhere ang boses nito.
"School. Sino ba ito?" Patanong ko pang galit.
"The one and only, Lucius Evanderiel Azrhel Valkryi Drakonis." Sagot nito at napalaki naman ang mata ko.
"Oh.." Sagot ko na lang.
"Like I told you, we'll discuss things once I called you. Where are you?" Napaikot naman ang katawan at ulo ko para hanapin ito dahil baka nakikita niya ako.
"Uhhmm... dito lang sa may hallway, papuntang canteen." Sagot ko.
"Ohh..there you are! Just go to the garden, I'll wait for you." Ha? Ipapahanap niya pa sa akin 'yang garden na yan? sa laki nang school na ito parang kada gilid nito ay may garden. Saang garden ba?
"Just trust me, you'll be safe with me. Just tell the guard your name. Dadalhin ka nila papunta sa akin." Huling sabi nito bago ibaba ang telepono.
"Hey, wait!" Sigaw ko pero wala na.
Nakita ko naman ang guard na nasa harapan pa nang pintuan ng building at parang may hinahanap pa."Miss Iredessaina po?" Tanong nito sa akin.
"Yes, it's me." Sagot ko lang at tumango lang ito.
"Tara po, sunod po kayo sa akin." Hindi ordinaryong uniform ng guard ang suot nito. Para bang mga bodyguards sa mga movies, ganon ang suot nila. All black.
Tumagal din nang halos 8 mins ang lakad namin papunta sa tagong garden dito.
"Iyon po, Ms. Valkyris. Pumasok lang po kayo dyan, nandyan po sa loob si Mr. Lucius." Hinarap naman ako nito sa door fence at umalis na siya.
Nakita ko namang nakaupo ito sa mahabang upuan at may mahabang lamesa rin na halos mapuno na nang libro at notebooks.
Pagdating ko sa puno malapit sa kanya sa garden, nakita ko agad si Lucius. Doon siya nakaupo sa ilalim ng malaking puno na may mahabang upuan at lamesa, nakayuko habang nagbabasa ng mga libro at sinusulat kung ano man ang napaka-complicated na research ideas na pumapasok sa utak niya. Kahit ilang metro pa lang ako ang layo, kita ko na agad 'yung kilay niya—makapal, laging nakakunot, masungit na kilay. Parang laging galit, pero iyon na yata talaga 'yung default expression niya.
Naka-puting uniform siya, 'yung tipong tailored fit, kaya mas lalo pang naging halata kung gaano siya kalaki. Ang lawak ng balikat niya, para siyang built para maging athlete, pero ayan siya, naka-focus sa mga libro niya. Makinis ang balat niya, maputi, parang hindi siya nagpapaaraw kahit garden pa 'yung setting ng usapan namin ngayon. At 'yung jawline niya—perfect. Parang kinalkal na sa bato, sobrang defined na kahit hindi siya nagsasalita, nakikita mo agad. Poging-pogi talaga lalo na kapag suot niya 'yung uniform nila.
Napansin ko 'yung buhok niyang black and puffy, parang laging bagong shampoo, pero ang weird kasi bagay sa kanya kahit hindi siya mukhang mahilig mag-ayos. Mukha lang talaga siyang effortlessly presentable sa lahat ng oras, and honestly, nakaka-intimidate.
BINABASA MO ANG
Drakonis 1: Dominate me, Lucius Drakonis (ongoing)
Romance[SPG R-18] Dominate me, Lucius Drakonis Drakonis Series #1 He pointed the gun at himself, but aimed for the monster. "Dominate Me, Lucius Drakonis" Lucius Drakonis is brilliant but cold-a medical student haunted by a sinful past, hiding behind his a...