sitsit

9 1 15
                                    

Halos pitong oras na rin pala akong nakaharap sa aking laptop nang lingunin ko ang orasang nakapatong sa aking bedside table. Napaunat akong bigla ng aking mga braso saka mahinang humikab. I leaned back against the backrest of my swivel chair then slowly looked up at the white ceiling. Unti-unti namang nag-sink in sa akin ang pagod at stress. 

Ang study area ko ay malapit sa paanan ng aking kama. May kalakihan ang kwarto kong ito dahil originally, sa mga magulang ko dapat ito. Napunta lamang sa akin nang magdesisyon ng tatay kong angkinin ang isa pang kwarto sa unang palapag ng bahay. Ayaw ko namang bumalik sa kwartong dati kong pagmamay-ari. Bukod sa hindi maganda ang view nito, nasaktuhan pang mayroon poste sa gitna; masikip.

Madilim ang kabuuang kwarto kong nasa ikalawang palapag ng bahay dahil tanging ang maliit na lampshade and laptop lang naman sa aking desk ang pinanggagalingan ng ilaw. Hindi na ako nag-abala pang buksan ang LED lights. Malamig din dito lalo pa't nakabukas ang air-con ko, though naka-set sa fan lang naman ito. My sliding windows were already closed, of course, but the curtains weren't drawn yet. So, kung sakali mang sumilip ang kapitbahay mula sa kanilang second floor, makikita pa rin nila ako. 

Mula sa kisame ay nilakbay ng mga mata ko ang cup ng iced coffee na nakapatong lamang sa gilid ng gadget na kaharap ko. Alas siyete ng gabi na, pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin ito nauubos. Samantalang kaninang alas kwatro ng hapon ko pa ito binili sa Zus. 

I grabbed the cup and gently swirled the contents without holding the straw. The ice was already melted but I didn't mind. Ganito naman kasi palagi ang routine ko. From the university, I'll go to Zus and buy either a cup of iced hazelnut coffee or iced dirty matcha latte. Pagkatapos no'n, bibili ako ng shawarma saka uuwi. Aakyat ako sa kwarto at rito ay magdamag na magkukulong hanggang kinabukasan bago pumasok ulit for school. I'll sit in front of my laptop for hours—perhaps till dawn, and the food and drink that I bought earlier would serve as my late dinner. 

Pero kung walang pera dahil wala pang natatanggap na allowance galing kay Dad o sa'king scholarship? Edi walang dinner. Easy as that. Hindi rin naman ako heavy eater and usually, one meal per day lang din naman ang ginagawa ko. Not gonna lie but because of the academic stress, I always forget to eat.

I brought the straw closer to my lips and sipped the not-so-cold-anymore drink. Muli kong ibinalik ang aking atensyon sa laptop. Ang ginagawa ko lang naman ngayon ay isang pagkahaba-habang essay tungkol sa karakter ni Rizal na si Ibarra. As a literature major, siya ang napili kong bigyan ng critique... well, kasi bakit hindi? Characters from Narnia sana kaso... wala ako sa mood magbasa. 

❝At least kay Crisostomo, marami akong masasabi. Then I'll connect it to the societal issues and some masculinity studies,❞ I murmured mostly to myself. Muli akong napahikab. The deadline was a month from now but I was already doing it. This way, even during hell week, I wouldn't be too preoccupied. Mindset ba.

Magpapatuloy na sana ako sa pagtitipa sa aking keyboard matapos maubos ang aking inumin nang bigla namang tumunog ang phone ko. I dropped the empty cup in the bin near me before grabbing my phone to check my notifications. May kutob akong related na naman ito sa role ko as a president sa loob ng block namin. One more thing, as an active procrastinator, it would be a pretty nice excuse to divert my attention from my paper.

The notifications were from our block's Messenger group chat. Kaagaran ko 'yong binuksan at bumungad sa'kin ang sunud-sunod na pag-mention nila sa name ko. Kaya ayon, napa-backread ako nang wala sa oras. Napakabihira lang din naman kasi nila 'tong gawin, at kapag ginawa nila, may urgent matter na kailangan kong asikasuhin. Usually, problema or issue nga lang. 

❝Shit...❞ bulong ko sa sarili ko nang makita ang message ni Jenna. Dali-dali ko rin namang ibinaba ang phone at hindi na nag-reply pa sa messages ng mga kaklase. Hinarap kong muli ang laptop saka nagpunta sa aking personal email account. 

the uncannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon