Kabanata 30

459 12 3
                                    

AIAH POV:

3 linggo nakong wala sa manila pero alam ko padin ang mga ginagawa nila, akalain mo 'yon ginago na nga nila ako, ako pa ang tinu-turo ng ibidensya hahaha.

Sabagay kung alam ko talaga 'yon baka hindi lang baby ang pinatay ko, pasalamat sila nag bago na ako at kung hindi? lahat sila patay.

May isa pa ako kinatatagong sekreto na hindi nila malalaman kahit kailan.

FLASHBACKS:

"mom sige na payagan niyo na ako ni papa" pag mamaka awa ni aiah sa mga magulang niya na payagan siyang pumunta sa bar.

"hindi aiah!" nagulat naman si aiah ng sumigaw ang kaniyang tatay paglabas nito ng kwarto.

Nag simula siyang matakot at kabahan dahil sa tono ng kaniyang ama.

Alam ni aiah na may ugali ang ama kapag nagalit ito, at madalas siyang saktan nito kapag nagagalit kaya naman hindi niya maiwasang matakot ngayon at kabahan.

"d-da-" naputol ang kaniyang sasabihin nang lapitan siya ng kaniyang ama at bigyan ng malakas na sampal sa kanang bahagi ng pisnge.

"ramon!" sigaw ng nanay ni aiah nang makitang sinampal ito ng ama.

"ano bang ginawa mo!?" galit na tanong ng nanay ni aiah sa kaniyang ama.

"para matauhan 'yang anak mong suwail! patanda ng patanda lalong natigas ang ulo! kausapin mo 'yan ha!?" huling salita ng ama ni aiah at lumabas na ito ng bahay.

"a-aiah are you okay?" nangingilid na luha ang ina ni aiah paglapit nito sa anak.

Wala namang magawa ang ina ni aiah kapag ang ama ni aiah ang nag sabi, tila silang dalawa ay hawak sa leeg ng ama ni aiah, hindi lang si aiah ang madalas saktan ng ama pati nadin ang ina ni aiah ay sinasaktan nito.

Kahit mayaman sila ay hindi naman masaya ang pamilya nito dahil sa ama ni aiah na palaging nananakit tuwing ito'y galit o 'di kayay naka inom.

"aiah, makinig ka sa'kin okay? aalis tayo" maawtoridad na sambit ng ina ni aiah sa kaniya habang pinu punasan nito ang mga luha ng anak.

"pero mom, pa ano si papa? iiwan natin siya? bakit?" naiiyak na sunod sunod na tanong ni aiah, kahit na ganon ang kaniyang ama ay mahal na mahal padin naman niya ito.

"sinasaktan tayo ng papa mo, umalis na tayo, hindi kona kayang makitang sinasaktan kaniya ng paulit ulit, okay lang sana kung ako pero dinadamay kaniya" sambit ng kaniyang ina sa kaniya.

"saan po tayo pupunta mama?" nanginginig ang mga kamay ni aiah dahil sa pinag halong takot at kaba.

"kahit saan anak, basta malayo sa papa mo okay?" hinawakan ng ina ang pisnge ng anak niya at niyakap ito.

-----

Hating gabi ang napag desisyonan nilang tumakas para tulog ang kaniyang ama, naka tulog din ito dahil sa kalasingan kaya naman eto ang panahon nila para umalis at mamuhay ng walang nananakit ni isa sa kanilang mag ina.

After that night🔞 (Mikhaiah story)Where stories live. Discover now