Kabanata 21

591 16 1
                                    

Aiah's Pov:

Narito ako ngayon sa kwarto namin ni mikha at nag aayos na ng mga gamit ko.

Uuwi na lamang ako sa bahay ko, matagal nadin akong hindi nakaka uwi don.

Masakit man sa'kin na umalis dito pero kailangan, tyaka ko na lamang siya kakausapin, ngayon hahayaan ko muna siya dahil galit na galit siya sa akin.

Hindi ko naman siya masisisi, dahil kasalanan ko naman talaga.

Pero ngayon, hahayaan ko muna siya pero hindi ako susuko hangga't hindi kami nagiging okay.

Mikha's Pov:

"chin uwi na ako ah" pag papaalam ko sa pinsan ko habang nag aayos ng bag.

"mag ingat ka ha? punta kalang ulit dito o tawagan mo ako kapag kailangan mo ako" napa ngiti naman ako dahil sa sinabi niya dahil alam kong mayroong taong nandiyan palagi para sa akin.

Sarap sa pakiramdam.

"oo naman" naka ngising sabi ko sa kaniya at lumapit para yakapin siya.

"ingat ka" ngumiti naman ako at umalis na.

Kalahating oras lang ang binyahe ko para makarating agad sa bahay.

Pumasok agad ako sa bahay ko at sinalubong ako ng mga katulong ko.

Yumuko naman sila at mga bumati.

"maligayang pag babalik ma'am" sabay sabay nilang sabi sa akin, nginitian ko naman sila bilang tugon sa kanilang lahat.

Umakyat na agad ako sa taas at pag bukas ko ay nakita kopa si aiah na nag aayos ng mga gamit niya.

"sabi ko 'diba, dapat pag balik ko dito wala kana?" walang emosyon kong sambit sa kaniya.

Tumitig lang siya sa akin saglit at nag alis ng paningin sa akin, mabilis niya inayos ang mga damit niya at agad pinasok sa maleta.

Aiah's Pov:

Ramdam ko ang paninitig niya sa akin kaya naman mas mabilis kong inayos ang mga gamit ko para maka alis agad, nakaka ilang din ang gan'tong sitwasyon.

Wala siyang emosyong naka tingin sa akin, hindi katulad ng dati na kapag nakita niya ako ay ngingiti agad siya at tatakbo papunta sa akin para yakapin.

Pero ngayon ibang iba ang titig niya sa akin, hindi kona makilala.

"aalis na ako" sambit ko sa kaniya hindi niya naman ako pinansin at nilagpasan niya lang ako.

Aray naman haha.

"ingat." walang emosyong sambit niya mula sa likuran ko.

"s-salamat" tanging naisagot ko lamang sa kaniya.

Mabilis akong lumabas ng pinto at pagka baba ko ay sinalubong ako ng mga maids.

"aalis na kayo ma'am aiah?" tanong ng isang maid.

Mapait akong ngumiti aat tumango.

"bakit ma'am? wala naba kayo ni ma'am mik-" naputol ang sasabihin niya nang kurutin siya ng isang matandang katulong.

Bahagya naman akong natuwa dahil don.

"sadly yes, wala na kami" sambit ko.

"hala ma'am bakit?" tanong ng isang katulong.

"mag si tigil na nga kayo andami niyong tanong." iritang sambit ng matandang katulong.

"bumalik na kayo sa mga ginagawa niyo" muling sambit ng matandang katulong.

Agad nagsi pag balik sa trabaho ang mga katulong ako naman ay ngumiti nalang ng mapait sa matanda bago umalis ng pinto.

Pagka labas ko ng pinto ay agad bumuhos ang mga luhang nag pipigil lamang kanina.

Hinayaan ko lamang siyang umagos at mabilis pumasok sa loob ng sasakyan para wala ng makakita.

Tumunog naman ang cellphone ko kaya agad akong napa tingin sa bag ko.

Nakita ko si lae pala, hindi kona iyong pinansin at hinayaan na lamang tumunog nang tumunog.

Ayoko na munang may koneksyon ako sa kaniya dahil baka lalo lang kaming masira ni mikha kapag nalaman niyang nag uusap padin kami ni lae.

Mikha's Pov:

Sumalampak ako nang upo sa loob ng banyo, binuksan ko ang sira kasabay ng mga luhang nag babadya sa akin kanina.

Ang sakit.

Hindi kopa kayang makipag ayos sa kaniya lalo na nang malaman ko na may nangyari ulit sa kanila ni lae.

Hindi madali para sa'kin na kalimutan nalang basta 'yon.

Pagka tapos kong mag shower ay bumaba nadin ako at nagpa handa ng makakain ko.

"eto napo ma'am, kumain po kayo nang marami" naka ngising tugon sa akin ni manang ris, siya ang pinaka pinagkakatiwalaan ko rito sa mansion simula pa noon.

Bukas ay bibisita ulit ako sa mga magulang ko, dahil lilinisin kodin ang mga pangalan nila.

Sabi nila may chance padaw na makalabas sila mama at papa.

Hindi panaman daw sapat na ebidensya 'yung video dahil baka raw inedit lang 'yon.

AUTHOR: ITO LANG MUNA KAYA KO NGAYON! MAGANDANG HAPON.

After that night🔞 (Mikhaiah story)Where stories live. Discover now