Kabanata 31

468 13 7
                                    

MIKHA

Naka upong tulala habang nainom si mikha, hanggang ngayon iniisip niya parin kung totoo ba ang sinasabi ni jaz, ang mga tauhan ni jaz ay hinahanap na si aiah. Sinu subukan pading tawagan ni mikha si aiah pero hindi talaga ito nasagot ang iniisip nila baka nag bago ito ng number kaya walang sumasagot sa number na tinatawagan nila.

"miks" tawag sa kaniya ni maloi mula sa bungad ng pintuan, galing kase ito sa grocery dahil naubusan na sila ng stocks sa condo.

Lumingon naman si mikha at binigyan siya ng isang matamis na ngiti, inilapag naman ni maloi ang mga pinamili niya at saka lumapit kay mikha na nag iinom.

Umaga gabi nag iinom si mikha pero walang magawa si maloi dahil hindi ito nakikinig sa kaniya, kaysa mag inom sa xylo araw gabi pinayagan niya ng kahit sa condo nalang para safe.

"kailan moba kasi ititigil 'yang pag iinom mo? makakasama 'yan sa kalusugan mo" sambit ng dalaga kay mikha.

"ewan ko loi, maybe if bumalik na siya" ngumiti naman si mikha sa dalaga pero halata padin sa mga mata nito ang sakit na nararamdaman.

"mahal mo pa siya noh?" biglang tanong ng dalaga kay mikha kaya naman napa lingon muli si mikha sa dalaga at sandali siyang tinitigan bago tumango tango.

"i always love her loi" nangingilid na luhang sambit ni mikha sa dating kasintahan.

"hayaan mo, babalik din siya okay? pero pa-pa'no nalang 'yung kaso? siya ang tinuturo ng ibidensya" saglit natigilan si mikha sa pag inom dahil sa narinig sa dalaga.

"h-hindi ko alam loi eh, ang alam ko ngayon gusto ko siyang makita" tugon ni mikha sa dalaga, tumango tango naman si maloi at lumapit kay mikha para yakapin ito.

THIRD PERSON

"Hindi niyo padin ba nahahanap si aiah!? mga wala kayong kwenta!" sigaw ng among babae sa kaniyang mga tauhan habang may hawak na wine sa kabilang kamay.

"h-hindi papo boss, patawad" sagot ng isang tauhan, mas lalo namang nanggalaiti sa galit ang babae kaya inihagis niya ang hawak niyang wine glass sa mga tauhan niya.

"huwag kayong babalik dito ng hindi siya nahahanap okay!?" muling sambit ng among babae sa mga tauhan nito, dali dali umalis ang mga tauhan nito sa harapan ng babae.

Napa buntong hininga na lamang ang babae sa mga nangyayari, dahil kung hindi niya mahanap si aiah at hindi ito bumalik ay masisira lahat ng plano niya, hindi niya masisira si aiah kay mikha. Tatayo na sana ang babae nang bumukas bigla ang pinto kaya naman napa baling siya rito "anong ginagawa mo rito?" tanong niya sa babaeng nasa bungad ng pintuan.

Ngumisi naman ang babae bago ito lumapit sa kaniya "binibisita lang kita" naka ngising saad ng babae, agad umirap ang among babae sa kausap niya.

"ano hindi mo padin siya nahahanap?" tanong ng babae.

"hindi, ewan koba kung saang lupalop ng mundo 'yon nag tatago napaka galing!" inis na sambit ng among babae sa kausap niya.

"mahahanap modin siya, trust me sister" naka ngising tugon nito.

"bantot mo, sister"

"bakit bawal ba? kapatid naman kita ang arte mo naman, sige ka 'pag sinungitan mo ako hindi mapapasayo si mikha" pang aasar nito sa babaeng amo.

"umalis kana nga!" inis na tugon nito sa kapatid.

AIAH

Nalaman ni aiah na pinag hahanap na siya ng mga pulis dahil sa, siya ang itinuturo ng ibidensya kaya naman hindi niya maiwasang magalit sa dating kasintahan pati nadin sa dating kaibigan dahil pinapaniwalaan nitong siya ang nanloob sa condo ni maloi.

Nag iimpake na siya ng gamit niya dahil pupunta muna ito sa ibang bansa pansamantala, siguro naman ay hindi pa kalat sa buong bansa ang kaso niya kaya pwede pa siyang lumuwas papuntang ibang bansa.

Sa paris ang punta niya dahil may bahay sila doon, doon din sila nanirahan mula isang taong gulang siya hanggang sa mag ten years old kaya naman alam niya na ang mga magagandang tanawin sa paris.

Lalabas na sana siya ng bahay ngunit pag bukas niya nang pinto ay bumungad sa kaniya ang tatlong pulis at isang babaeng nasa gitna nila.

"miss aiah, sumama ka sa'min" sambit ng isang pulis at agad lumapit kay aiah para posasan ito.

"teka ano ba!? wala akong kasalanan ni hindi konga alam na ginagago na pala ako ni mikha at maloi tapos ako pa ang itinuturo nila!?" nagpupumiglas si aiah sa pagkakahawak ng mga pulis sa kaniya pero mas malakas ito kaya naman hinayaan niya nalang ding posasan siya para hindi nadin siya masaktan pa.

Tahimik ang buong byahe sa loob ng isang sasakyan, naka tulog nadin si aiah dahil malayo panaman ang pupuntahan nila.

"boss, talaga bang siya ang pilit pumasok sa condo ni ma'am maloi?" tanong ng pulis habang nagda drive.

Nilingon naman ito ni jaz at sinagot "yes, kita naman sa mga ibidensya 'di ba?" pag tataray na sagot ng dalaga sa pulis.

"pero ang sabi niya hindi niya naman daw alam 'yon" dagdag ng pulis na nasa passenger seat.

"naniniwala ba kayo sa isang kriminal? nagpapa akit lang kayo sa ganda niya!" galit na tugon ng dalaga sa mga pulis, agad namang nanahimik ang dalawa dahil sa sinabi ng babae, hindi nadin naka imik ang isang pulis na nasa tabi niya.

—————

MIKHA

Agad tumayo si mikha nang malamang nasa prisinto na si aiah, nakita naman siya ni maloi na papalabas ng pintuan kaya naman agad siyang tinawag nito.

"miks! saan ka pupunta?" tanong ng dalaga kay mikha, bumaling naman nang tingin si mikha sa dalaga para sagutin ito.

"si aiah, nahanap na nila" kinakabahang sagot nito sa dating kasintahan.

"nasaan daw si ate?" nag aalalang tanong ni maloi.

"nasa prisinto" maikling sagot ni mikha sa dalaga.

"sandali, hintayin mo ako rito ha? sasama ako" mahinahon na sambit ng dalaga kay mikha, tumango tango naman si mikha at umupo muna ito sa coach para pakalmahin ang sarili dahil nang malaman niyang nas prisinto na ang ex fiance niya ay nagsimula na siyang kabahan.

AUTHOR: OH 'YAN NA MUNA, TINATAMAD PA MAG UD ANG AUTHOR NA ARE

After that night🔞 (Mikhaiah story)Where stories live. Discover now