Kabanata 32

240 8 1
                                    

CHIN

Agad napa ayos ng sarili si chin ng malaman niyang nahanap na si aiah at nasa prisinto na ito, agad niya din namang pina punta ang dalawa niyang pinsan na si gwen at lae kasama ang mga kaibigan nito na si stacey, sheena. Sabay sabay silang aalis papunta kung nasaan ang kaibigang si aiah.

"tara na" aya ni gwen sa kasintahan pati sa mga kaibigan nito, agad naman silang nag si tayuan at bumaba para pumunta sa parking lot.

Tahimik ang buong kotse nang makasakay silang lima, wala ni isang gustong mag salita sa kanila. Napa baling naman agad ang kanilang mga ulo nang biglang mag salita si lae.

"naniniwala ba kayong may kinalaman si aiah sa nanloob kay maloi?" napa titig ang tatlo kay lae dahil sa tanong nito sa mga kaibigan, habang si chin naman ay hindi naimik dahil sa ito ay nagda-drive.

"hindi" sabay sabay nilang sagot, napa tango naman si lae dahil agree naman siya rito.

"baka sinet up lang si ate aiah, kilala namin siya 'di niya 'yon magagawa" biglang sambit ni sheena kaya naman napa baling ang mga dalaga sa kaniya.

"totoo" dugtong ni stacey sa sambit ni sheena.

Muling tumahimik ang byahe hanggang sa maka rating sila sa prisinto.

Naabutan naman nila si mikha at maloi na nasa labas na ng prisinto kaya naman agad nila itong nilapitan.

"oh chin nandito nadin pala kayo" bungad na sambit ni maloi.

"ah oo, kaka dating lang din namin, so tara na?" pag aya ni chin, nauna namang lumakad si mikha bago sila sumunod.

AIAH

Bugnot na bugnot na si aiah sa prisinto dahil hanggang ngayon ay wala padin ang mga taong inaasahan niyang pupuntahan siya.

Nang makita niya ito mula sa loob ng selda ay dai dali siyang tumayo, agad namang binuksan ng pulis ang pintuan ng selda upang maka labas siya.

Nang maka labas na siya ay lumapit sa kaniya si mikha, imbis na yakapin niya ito ay binigyan niya ng isang malakas na sampal.

Napa lapit si maloi at lae kay mikha dahil sa ginawa ni aiah, tila nagulat naman ang mga kaibigan nito sa ginawa ni aiah dahil hindi nito gawaing manakit ng ibang tao.

"kapal din talaga ng mukha niyong dalawang magpakita dito ano?" duro niya kay mikha at maloi.

Nang humarap sa kaniya si mikha ay nakita rito ang mga nangingilid na luha, agad namang umiwas si aiah ng tingin kay mikha dahil nasasaktan siya tuwing naiyak si mikha.

"umalis na kayo rito maloi at mikha, hindi ko kayo kailangan!" sigaw niya rito.

Lalapitan pa sana siya ni maloi at mikha ngunit umatras ito.

"sabing umalis na kayo! kayo ang dahilan kung bakit ako nandito! dinidiin niyo ako sa kasalanang hindi ko naman ginawa at lalong lalong hindi ko magagawa!" umiiyak na sigaw ni maloi sa dalawa, ang dalawa naman ay nananatiling tahimik habang naka tingin kay aiah.

Hindi namang maiwasang pati ang mga kaibigan ni aiah ay mapa iyak, hindi nila lubos maisip na hahantong sila sa ganitong sitwasyon.

"ate aiah tama na" pigil ni sheena sa kaniya pagka tapos ay nilapitan siya.

Niyakap siya ni aiah at nagpa tuloy itong umiyak sa balikat ni sheena, si stacey naman ay lumapit nadin upang makiyakap.

"shee, stacey paalisin niyo silang dalawa please" umiiyak na sambit ni aiah sa dalawang kaibigan.

Lumapit naman si chin at gwen kay mikha at maloi para kausapin ito.

"brad, sige na alis muna kayo, hindi kayo makakapag usap ng maayos kapag galit na galit siya sainyong dalawa" paki usap ni gwen sa pinsang si mikha, agad namang tumango ang dalawa at umalis kahit na labag ito sa kanilang loob.

—————

"naniniwala ba kayo na ako talaga ang gumawa non?" tanong ni aiah sa mga kaibigan niya, agad namang umiling ang mga kaibigan niya.

"alam naming hindi mo magagawa 'yon ate aiah, ano kaba" sagot ni sheena kay aiah.

"shee, ako na nga 'yung ginago nila eh, tapos ako pa 'yung nandito nakakulong dahil sa kasalanang hindi ko naman ginawa" nag simula muling umiyak si aiah sa mga kaibigan.

Ang mga kaibigan niya naman ay hindi maiwasang malungkot at maiyak dahil sa nangyayari sa kaibigan dahil alam nito hindi biro ang pinagdadaanan.

"huwag kang mag alala ate aiah, gagawa kaming apat ng paraan para maka labas ka rito okay? pangako namin 'yan" muling yumakap si aiah sa kaibigan at muling umiyak dahil nagpapa salamat padin siya na nandiyan sila sheena, stacey, chin, gwen at lae para sa kaniya.

"salamat" maikling tugon ni aiah kay sheena, pinunasan naman ni sheena ang mga luhang napatak galing sa mga mata ni aiah.

—————

Pagka tapos ng ilang oras nang pags-stay ng magkakaibigan sa prisinto ay tuluyan na itong nagpa alam at sinabing babalik nalang kina bukasan, si aiah naman ay naiwang tulala at naiyak padin dahil hindi niya lubos maisip kung bakit siya ang itinuturo ng ibidensya, alam niyang may nag set up lang sa kaniya.

MIKHA

Muling uminom ang dalaga sa condo nito dahil sa nangyari kanina nang muli silang magka harap ng babaeng minamahal niya.

"nag iinom kananaman" lumingon naman siya sa nag salita at nakita nito si maloi na nagising lamang.

"sakit eh" tugon ni mikha sa dating kasintahan.

"hayaan mo, magkaka ayos din kayo okay? huwag kang mawalan ng pag asa" agad namang napa buntong hininga si mikha at muling uminom ng alak na nasa baso.

After that night🔞 (Mikhaiah story)Where stories live. Discover now