tug! dug!
Tug! dug!Kinakabahan ako ano na naman to?
Tug! dug!
Tug! dug!Habang tumatakbo hindi ko na naisip kung ano mga problema ko at pati ang saya na naramdaman ko kanina ay hindi ko na din naisip pa.
Tay!? Ano na naman ba ang ginawa mo?
Hindi ko alam kung bakit pero para akong nasa Olympic habang tumatakbo.
Feeling ko hindi ako napagod sa buong araw ang taas ng energy ko para tumakbo ng mabilis.Bilis! Bilis pa Lester!
Kailangan mong makauwi ng mabilis!Ano ba naman to nakakaasar!
Kung sasakaya ako mabilis sana pero pano kung traffic? Hay naku!Nang makalabas ako ng office ay sinubukan ko pang mag intay ng sasakyan kaso walang dumadaan na papunta sa amin..
Putik naman oh!
Kung kaylan ka nagmamadali saka naman walang masakyan! Hays!Tatakbo na lang ulit ako! Kainis!
Habang tumatakbo ay sumusulyap ako sa likod baka sakaling may dumaan kaso ang masaklap ng makalayo na ko sa working place ko ay saka ko nakita ang traffic! Ah! No choice na talaga!
'hahu!hahu!
'hhmmhu hmmhu!'Kaya ko to malapit na!
Tay! Napakapasaway mo talaga!
Ano na naman kaya ang pinaggagagawa mo sa buhay!?Sa di kalayuan napansin ko ang kotse ni Larry
Mukhang na traffic pa siya buti na lang di na niya ko inantay pa.Nakahinga ako ng maluwag ng matanaw ko na malapit na ko sa lugar namin ng tumunog ulit ang phone ko.
Sinagot ko agad at wala ng tingin tingin pa kung si bunso ba ulit ang tumawag."Lester"
Napahinto ako dahil sa nadinig na boses.
'Max '
"Buti sinagot mo ang tawag ko"
Yong hingal na nararamdaman ko kanina ay biglang nawala"pasensya ka na sa istorbo ah? Wala kasi ako makausap eh" bakit ba siya tumawag? Para ba makipaghiwalay na sa kin?"Babe, pasensya ka na sa mga nasabi ko sa text kanina ah? Magkita tayo bukas sa oval may sasabihin ako sayong mahalaga"
"Max"
Toot!toot!toot!What!? Magsasalita pa lang ako eh!
'kuya,bilisan mo po umuwi! Si tatay!'
Huh!?
Oo nga pala si tatay!
Nang makapasok na ko sa may iskinita namin ay napansin kong may nagkakagulo..
Nagtaka ako kung bakit madaming tao.Nagmadali na ko at pinuntahan ang mga taong nag uumpukan.
"Naku! Napaaway na naman tatay ni Maxine"
"Talaga!? Si Mang Andoy?"
"Oo!"
"Naku! Sino kaaway!?"
"Hindi ko alam"
Nakipagsiksikan ako para makadaan pero nanlaki ang medyo singkit kong mga mata ng Makita kung sino nakikipag-away.
"Tay! Tama na po! Umuwi na tayo"pigil sa kanya ng bunso kong kapatid.
"Tumigil ka bunso,wag mo kong pigilan at hindi pa ako nakakaganti sa lintik! Na mayabang na to!"
YOU ARE READING
SINO KA?
Random"Nakatanaw sa malayo, nakaupong parang malabo, malabong maipinta ng buo. Buhay na nilalakbay, tulay na binabay-bay, mundong tila nawawalan na ng kulay. Sulyap sa nakaraa'y maaari ba? Malaman ang bukas ay imposible ba? Kahapong nagdaa'y maibabalik pa...