Hindi mo masasabing masaya ka na sa buhay na meron ka ngayon.
Hindi mo rin malalaman ang bukas kung hirap kang tanggapin ang kahapon.
Nililingon mo nga ang nakaraan pero natatakot kang sumubok ng bago sa kasalukuyan.Paano mo masasabing hilom ka na kung sa bawat oras na maiisip mo siya ay nasasaktan ka?
Paano mo maipapakitang malakas ka kung sa maliit na pagsubok ay bumibigay ka na?
Kahit gaano ka kagaling lumangoy kung mapapagod at hihinto ka ay malulunod ka.
Mas malakas pa ang mga alon ng problema kaysa sa alon ng dagat na makikita mo lang sa malayo.Mas mahirap magpakatatag kung ang haharapin mo ay dilubyo at hindi lang basta hangin ng mga pagsubok.
Oo, masaya ka sa kung anong meron ka ngayon pero hindi mo alam kung hanggang kailan yon. Minsan hirap mong paniwalaan ang mga nangyayare sa buhay mo pero mas mahirap paniwalaan ang buhay na perpekto sa paningin mo kung sa paningin ng iba ay misirable ito.Nasa malalim akong pag iisip habang naglalakad kami ni Pauline papunta ng barangay at hindi ko alam kung ano ang mga sinasabi niya. May kinikwento kasi siya sa akin pero hindi ko yon pinapansin busy kasi ako sa pag iisip ng kung ano ano.
Malapit na kami sa barangay ng mabalik ako sa ulirat."Nandito na tayo, tara na sa loob at ng makalabas na si tito Lindo hehe" oo nga pala si tatay nga pala ang dahilan kung bakit ko siya kasama ngayon.
Madalas mag isa lang ako sa mga ganitong sitwasyon at ito ang unang pagkakataong sasandal ako sa ibang tao.
Hindi ba nakakahiya?"Oh! Anak! Kumusta? Nakapagwithdraw ka ba?" Salubong ni tatay sa'min ng makalapit kami sa pinaglalagyan niya.
Ngumiti ako sa kanya at umiling.
Nakita ko ang pagkadismaya sa kanyang mga mata.
Para bang ang lalim agad ng iniisip niya.
Nalungkot din ang mga kasama niya bukod sa isa.
"Huh! Ang yabang mo pa kanina ha!? Asan na ngayon ang yabang mo?"nilingon niya ito at ngumiti, "ano naman sayo kung matatagalan ako dito ng isang araw pa?" Sabad ni tatay don sa lalaki.Tinignan ko si Pauline at napansin kong nanginginig siya.
Natatakot yata siya dahil ang alam ko ay may phobia siya sa mga ganitong sinaryo.
Kaya napagdesisyonan kong magsalita.
"Tay, baka sa lunes pa kita mailabas dito. Kakausapin ko na lang muna si kapitan."napalingon siya sa'kin dahil sa sinabi ko.Sinamaan niya ako ng tingin at alam kong hindi maganda yon. Hindi ito nagsasalita pero alam kong masama ang loob niya sa akin.
Bakit ka ba nagkakaganito tay?
Hindi ka naman ganyan dati eh.
Ano ba nangyayare sayo?Yan!
Yan yong mga salitang gusto ko sanang bitawan sa kanya pero hindi ko ginawa.Umiwas ako ng tingin at naglakad papunta sa kung saan ko makikita si kapitan.
Nakita ko pang nandoon si nanay.Hindi siya umuwi?
Talaga bang naghihintay siya dito?
Akala ba niya makakalabas agad si tatay?
Hinihintay niya rin ba ako?
"Les, hindi mo sinabi na nandito din pala si tita Luisa?" Nilingon ko si Pauline at sumunod pala siya sa'kin.Ano ba nangyayare sa'kin?
Bakit parang nakakaligtaan ko na ang mga bagay bagay? Kahit attention ko ay hindi ko alam kung kanino ko dapat ibigay.
Ano ba to?'sana panaginip lang to.'
Napabuntong hininga ako dahil sa isiping ano ba ang dapat kong unahin? Sarili ko ba o sila?
Ngumiti ako kay Pauline at"pasensya ka na ah? Hindi ko nasabi sayo. Andami ko kasi iniisip eh." Pinagmasdan niya ang buong mukha ko. Parang inuusisa niya ang buong pagkatao ko.
"Lester, kaibigan kita mula pa pagkabata at kilalang kilala na kita. Ano pa ba ang tinatago mo? Huwag mong pigilan ang emosyon mo. Pwede mo ko pagkwentuhan kung hindi mo na kaya ang bigat?"
Nginitian ko lang siya at Oo nga, tama siya.
Matagal na kaming magkaibigan pero hindi kami madalas magkita nitong mga nakalipas na buwan.
YOU ARE READING
SINO KA?
Random"Nakatanaw sa malayo, nakaupong parang malabo, malabong maipinta ng buo. Buhay na nilalakbay, tulay na binabay-bay, mundong tila nawawalan na ng kulay. Sulyap sa nakaraa'y maaari ba? Malaman ang bukas ay imposible ba? Kahapong nagdaa'y maibabalik pa...