Kabanata 4

3 0 0
                                    


Memories

"HI, PWEDE PONG magpa-picture?"

Nawala ang ngiti ko sa isa kong estudyante na kapi-picture lang sa 'kin kanina dahil narinig ko nalang pamilyar na boses, na kahit hindi ko man siya balingan ng tingin, ay kilala ko na kaagad.

I glanced at him smiling at me. Pawis ang ilang hibla ng buhok. His hair was now up in a lower ponytail. Ang mga natira ay agad nagsitilian habang pinagmamasdan kaming dalawa.

Ngumiti ako at nilingon siya saka tumango. Kung wala lang ang mga tao rito ay baka tinarayan ko na siya.

"Sure," tipid kong sagot.

Mas lalong nagsihiyawan ang mga nasa paligid namin. I remain my composure even if it bothers me already.

Amoy ko kaagad ang pabango niya pagpwesto niya sa 'king tabi. His perfume really intimidates me. It sends me chills. He's also towering me and so as his presence, kaya imbes ba na ako ang pagkamalang pinagkakaguluhan, mukhang ako pa ang pinagkakamalan na gustong makipag-picture sa kanya!

Pero mas lalo akong nabahala nang akbayan na lamang ako ni Ayrton. Mas dumepina ang height differences sa 'ming dalawa. Ramdam na ramdam ko pati ang tikas ng kanyang katawan at ang bawat pagtaas-baba ng paghinga niya.

I am already screaming and panicking inside. It's like all of my systems are screaming error alarms and that it would break me sooner!

"Yieee! Bagay na bagay talaga!"

"Mag-jowa ba sila?" rinig kong bulong ng isa.

"Isang poganda at isang super pogi! Gosh! Kinikilig ako!"

My face grew warmer. Not because of excitement, but because of irritation!

"Eyes on the camera... 1, 2, 3!"

Hindi ko nalamayang nakasimangot na ako nang matapos kaming i-picture ni Ayrton. Unti-unti ko na ring inaalis ang pagkakaakbay niya sa 'kin, at nang tuluyan nang makawala sa kanyang akbay ay saka ulit ako humarap sa mga taong kanina pa kami inaasar.

"Are we all done? Sino pa pong magpapa-picture?"

Gulat ako nang naging iba ang tono sa boses ko. They all seemed taken aback too. Si Ayrton na kakakuha lang ng kanyang phone sa isa niya 'atang kakilala ay napatingin sa akin. I heard some of them were now mumbling.

"Hala, ang seryoso ni Coach. Galit 'ata."

"Gaga! Baka kasi mag-ex sila! Halata namang may something, e."

Pagod akong pumasok sa aming locker area. They all seem surprised about my unpleasant attitude, huh? But really, wala na akong pakialam doon dahil ang mainis sa isang sitwasyon ay normal na sa 'kin para mailabas ko. Ewan ko kung bakit naiinis na lamang ako. Was it because I wronged him? Tsk!

I sighed and took a deep breath. Binuksan ko ang aking phone at agad napadako sa isang video kung saan siya ang sumasayaw. It was recently uploaded on his IG post. Naka-tag ang account ko doon pati ang company namin.

I observed him much more. He moves so clean and smooth. Even with the footwork that others found difficult, he performed with much ease and effortlessly.

Hip-hop suits him well, I must say. Ang swabe niyang gumalaw. Plus, alam niya pati kung paano mag-gain ng attention sa suot at enerhiyang binibigay niya. Lalo na ang kanyang mukha na umaayon sa kanyang galaw.

Nang napapansin kong nakakailang panood na ako ay umalis agad ako sa pagkakasandal sa aming locker at binuksan na ang akin.

Mukhang tinutupad nga talaga ni Ayrton ang isinabi niya sa 'kin kanina. Dahil no'ng dancehall class ko naman ay sumali rin siya. At hindi na naman ako makapaniwala sa nakikita ko dahil ang galing na niyang maka-cope up.

Saavedra Series #1: Until I Found You (Book I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon