Punishment"AYOS KA LANG? Sobrang sakit ba?" nag-aalala nitong tanong sa akin pagkagamot sa kanya ni Manang Lucy sa aming bahay.
Mamaya pa darating ang doctor para i-check up siya. Hindi ko alam kung sasagot ba ako ng 'hindi' sa tanong niya dahil kapag um-oo ako ay baka kikitil na siya ng buhay. Ang sama kasi ng titig.
"Ayos lang ako."
Wala sa sariling napahawak ako sa aking magkabilaang pisngi. Sampal lamang iyon pero nag-iwan pa rin iyon ng kaunting pasa. Kaya ito ako ngayon, nilalagyan ng ice pack ang aking pisngi.
"Siguraduhin mo lang, ah?"
I looked at his dark orbs. His eyes, even his personality say otherwise, always tell the opposite.
Well, I know he's always staring like that most of the time—as if you've just committed the biggest crime on earth from how his gaze was so freaking intense that you'll eventually think that he will kill you in no time.
But I know it's just its shape. Hooded, like a hawk's, that even when his orbs seem to soften or plead, it's still not enough to conceal the intensity of his glare because of how unique his eyes are along with his features.
Arrogant, cocky, rude, and devilish—he was always mistaken like that at first. Lagi rin siyang napagkakamalan na para bang manghahamon ito sa isang suntukan. But when you already see him smile, it'll immediately erase all those impressions. Dangerously looking from the outside, but always warm on the inside.
Like a walking illusion.
Napaisip ako. Mukhang may clue na ako kung bakit bigla na lamang sinugod ito ni Richard.
"Patingin nga? Nagkaroon ka ba ng sugat bukod sa pasa?" aniya at para bang nagpipigil lang siya ng galit ngayon. I avoided his touch and remained still.
"I'm fine. Sanay na ako sa ganito."
"Anong fine? Anak ng—sanay?! Hindi naman abusado si Tito, ah? Sinong umaabusado sa 'yo para masanay ka sa ganyan? Sabihin mo!" he demanded, which only shook my head. Ang OA talaga nito.
"I'm not hurt, Ayrton," I emphasized and glared at him. "And no one's abusing me. I just gained high pain tolerance in my body dahil sanay na ako sa bugbugan mula pa noon. Nag-taekwondo pati ako, remember?"
"Bugbugan?" May selective hearing 'ata 'to at iyon lang ang narinig.
"Didn't you hear the rumors about me? Na nakikipag-away ako sa labas? At totoo 'yon."
May pag-aalinlangan pa rin sa kanyang mukha. Pero maya-maya ay bumalik na ulit siya sa pagkakasandal, mukhang hindi pa rin panatag sa aking sinabi.
"Sure ka, ha? Okay ka lang talaga?"
"Of course."
"Sa susunod, huwag ka nang pupunta mag-isa sa likod ng SU. Baka mapa-ano ka na naman."
I just shrugged. Matagal na akong ganito. Kahit nakailang paalala na sila sa akin, hindi pa rin ako nakikinig. Sanay na sila sa akin sa pagiging matigasin ang ulo. Kahit sila Manang ay sanay na sa ganitong ugali ko kaya malaya akong umuuwi sa bahay na may bangas sa mukha. Kahit sila Tita Cecilia o Tito Raleigh ay hinahayaan nalang ako sa takbo ng buhay ko. Basta ba ay hindi ako masu-suspended at hindi ko sila madadamay sa gulo ko.
Siguro napagod na sila kasasaway sa akin noon kaya nawawalan na rin sila ng pakialam. O baka dahil na rin sa hindi naman nila ako anak at nasa lahi ko na ang mapasabak sa gulo kaya ang tanging magagawa nalang nila ay ang paalalahanan ako sa mga makadelikadong sitwasyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/376335327-288-k842466.jpg)
BINABASA MO ANG
Saavedra Series #1: Until I Found You (Book I)
RomanceEmbracing a following belief that "Lavignes are cursed in love," a senior high schooler named Ione Andriette Lavigne permanently chose to lead a life without any kinds of romantics involved, accepting the inevitable misfortunes that would befall her...