Story II: Never Meant to Be [Nina's Story]

673 24 13
                                    

“Go Marco! Kaya mo yan, Captain!”

“Juniors, ipanalo na natin ‘to!”

“Turquoise for the win!”

“J-U-N-I-O-R-S are the best!”

“Itaas ang bandila nating mga third year!”

Yan ang sunud-sunod na mga cheers galing sa mga batchmates ko, halos lahat excited at tutok na tutok sa laro. Kahit ang mga kabarkada ko todo-todo rin sa pag-cha-chant.

“Kean, magpatalo ka na nga! Bahala ka diyan, hindi kita papansinin ng isang buong buwan!” Sigaw ng best friend kong si Dianne, na siyang nakatayo lang sa tabi ko.

Napalingon naman saglit sa direksyon niya ang manliligaw niya, at binigyan siya nito ng isang mapang-asar na ngiti.

“Okay lang yun! At least tayo na pagdating ng mga panahong iyon!” Sigaw pabalik ni Kean, sabay pakita ng peace sign sa kaibigan ko.

Agad namang napatingin sa gawi ni Dianne ang ilan sa mga batchmates namin, pati na rin ang iba sa mga kasamahan ni Kean.

“Tss. Kaya naman pala todo-bigay sa laro si Kean!”

“Dia naman! Ba’t ka pa kasi nakipagsunduan diyan sa boylet mo?”

“Hay naku. Saang team ka ba talaga kumakampi?”

Madaling lumayo ng ilang pulgada si Dianne sa kanila.

“Geez. Wag naman ako yung idehado ninyo! Malay ko bang sila pala yung makakalaban natin sa finals.” Depensa niya sa sarili niya. Bigla niya namang siniko ang tagiliran ko. “Uy, Nina. I-cheer mo naman ang boylet mo! Kanina ka pa tahimik diyan.” Dagdag pa niya.

Agad namang namula ang mukha ko, at dagli akong napayuko pagkatapos.

“Kanina pa kaya ako nag-che-cheer.” Sambit ko, sabay sulyap sa direksyon ng team captain ng batch namin.

Nakakainis! Bakit ba kasi ang gwapo pa rin niya kahit sobrang pawisan at namumula na ang mukha niya? Bakit ba kasi ang galing-galing pa niyang mag-basketball? Bakit ba kasi ang sikat-sikat pa niya dito sa school namin? Bakit ba kasi pinagkakaguluhan pa siya ng halos lahat ng mga babae? At bakit ba kasi siya pa ang piniling mahalin ng puso ko?

Hay. Kung tutuusin, sino ba naman ako para mapansin niya? Parte siya ng varsity team ng basketball club sa school namin, samantalang ako regular member lang ng choir. Mr. Campus Heartthrob at isa sa mga pinaka-popular na mga estudyante siya, samantalang ako commoner lang. Ang dami niyang mga fan clubs at mga fan girls, samantalang ako isa lamang sa mga tagahanga niya.

Letche naman o. Bakit ba kasi ang sobrang magkaiba namin? Bakit ba kasi ang sobrang magkalayo ng mga mundo namin? At bakit ba kasi ang sobrang taas ng estado niya at hindi ko talaga siya kayang abutin?

Bwiset. Kaya nga minsan hindi ko talaga mapigilang mainggit kay Dianne. Buti pa ang best friend ko, masaya sa buhay-pag-ibig niya. Samantalang ako, hanggang dito lang sa sidelines, walang-tigil at walang-sawang umaasa sa isang lalaking hindi naman ako nakikita.

Ano ba yan! Bakit kaya ang sadyang komplikado ng buhay? Bakit kaya ang sadyang mapangarap ang tao? At bakit kaya ang sadyang tanga ng puso?

Napatigil ang pagmumuni-muni ko nang marinig ko ang final whistle ni Coach Dacillo. Tiningnan ko ang scoreboard, na siyang nasa tapat lang namin, at agad na bumigat ang dibdib ko pagkatapos.

75 – 74 ang score, at panalo ang team nina Kean. Lumingon ako sa direksyon ng mga batchmates ko, at bakas sa mga mukha nila ang matinding panghihinayang. Napunta ang tingin ko kay Marco, at halata talagang pilit ang ngiting ipinapakita niya sa mga ka-miyembro niya.

Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon