Prologue

2.4K 30 31
                                    

Alam niyo ba kung ano ang selos?

Ito ay isang emosyong ang hirap-hirap itago.

Isang emosyong ang hirap-hirap pigilan.

At isang emosyong ang hirap-hirap iwasan.

Minsan pa nga,

Dahil lang sa emosyong ito,

Hindi mo talaga mapigilan ang sarili mong humantong sa puntong ikaw na’y nagiging luhaan.

Hindi mo talaga mapigilan ang sarili mong humantong sa puntong siya’y iyo nang iniiyakan.

At higit sa lahat,

Hindi mo talaga mapigilan ang sarili mong humantong sa puntong ikaw na’y nagiging martyr,

At nagkukunwari ka na lamang na masaya ka para sa kanila,

Kahit na sa totoo’y ang sakit na nararamdaman mo ay nasa kasukdulan na.

Pero alam niyo ba kung ano talaga ang pinakamasaklap pagdating sa selos?

Yun ay ang katotohanang kahit sino ka man,

Basta’t ika’y nagmamahal,

Mararamdaman at mararamdaman mo pa rin ito,

KAHIT WALA KA NAMANG KARAPATAN.

Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon